"Pwede ba? Tigilan mo na kami! Ano bang problema mo! Pinatay mo na nga magulang ko pati ba naman kami idadamay mo? Anong klaseng tao ka!" galit na sigaw niya mismo sa harapan ni Vandeon.

"Hanggang ngayon hinahanap mo parin ako? Ganiyan ka na ba kakati. Gusto mo talaga akong patayin ano? Kailan ka pa mananahimik! Hayaan mo naman kami oh! Gusto naming mamuhay ng payapa!"

Mabilis na nilagay ni Almika ang bata sa kanyang bisig. Hindi niya pinakita ang mukha nito. Pansin niya rin ang pamumula ng mga pisnge ni Vandish.

"Baby, close your eyes please. Cover your ears too," utos niya sa bata na agad naman nitong sinunod. Nanatili lamang nakamasid si Vandeon sa kanilang dalawa.

Hindi alam ni Almika kung anong iniisip nito pero kung ano man iyon? Kailangan niyang paghandaan.

"Huwag mo namang gawin 'to sa harap ng anak ko. He's only 5 years old for damn's sake! Ayokong ma-trauma ang anak ko sa ganitong edad. Maawa ka nama..."

"Mercy? Do you think I can give you that after what your parents did to me? Do you think I can forgive them? Especially you?!" mariing sigaw ni Vandeon at humakbang papalapit kay Almika. Panay naman atras niya. Kita niya sa mga mata ni Vandeon ang galit.

"No. I have no mercy when it comes to you and your family."

"Ano ba ang ginawa ng magulang ko at pati kami idadamay mo!"

Ngumisi ng mala-demonyo si Vandeon. Hindi nagustuhan iyon ni Almika.

"They both took my parents away from me. Pinatay ng walang hiya mong ama ang magulang ko. We're even." Umawang ang bibig ni Almika, natulala siya bigla.

Wala siyang alam sa ginawa ng parents niya sa pamilya ni Vandeon. Kilala niya ang Mommy at Daddy niya at hindi iyon gagawa ng masama. Pinagloloko ba siya ni Vandeon?

"I'm not yet done with you two. Since you're related to your parents? I'll kill you too."

May luhang tumulo na naman galing sa mata ni Almika. Sinubsob niya ang mukha sa leeg ng bata. In the first place pamilya niya ba talaga ang may kasalanan kaya naghihiganti si Vandeon? O ginagamit niya lang iyon para sa sarili niyang kagustuhan?

"Huwag mong idamay ang anak ko. Ako na lang ang patayin mo," bulong niya pero sapat na para marinig ni Vandeon.

Tumawa si Vandeon. Nilabas niya ang baril sa kanyang likuran at kinasa ang gatilyo nito, tinutok niya sa ulo ng bata ang nguso ng baril sanhi ng panlalaki muli ng mata ni Almika.

"STOP! DONT YOU DARE PULL THE TRIGGER, VANDEON!"

"Why? Is there something you want to say?"

Nag tagis ang kanyang mga ngipin. Hinawakan niya nang mahigpit ang anak habang mahimbing itong natutulog sa kanyang bisig. Walang kaalam-alam ang bata na tinututukan na pala siya nito ng nguso ng baril.

Mura ng mura si Almika sa kanyang isip. Kinuyom niya nang mariin ang kanyang dalawang kamao. Gusto niyang suntukin si Vandeon pero nag-aalala siya sa anak niya.

Inangat niya ang ulo at tinapunan ng masamang tingin si Vandeon.

You'll regret this day Santford, how dare you point your gun to my son's head! You don't know him at wala akong planong sabihin saiyo ang totoo.

"Hindi ka ba ulit magmamakaawa? You used to do that before, remember?"

She cleared her throat. Sinuklay niya 'yung buhok muna ni Vandish bago tinitigan ang baril na nakatutok sa ulo ng anak niya.

"Choose yourself." bulong niya at sinipa niya ang kamay ni Vandeon para mailayo 'yung baril, ngunit mautak din si Vandeon, bago pa man umatake muli si Almika hinila niya ang damit nito at kinuha ang bata sa bisig niya.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordWhere stories live. Discover now