CHAPTER 18: SAN FRANCISCO, CALIFORNIA

Beginne am Anfang
                                    

Mga iba't-ibang klaseng murahan at sigawan ang mga naririnig niya sa loob ng club.

"Haven! Lemme' get you a drink!" sigaw na sabi ni Tasha mas matanda ito ng dalawang taon kay Chloe.

"No, thanks. I'm fine don't worry about me." sabi niya at umupo na din sa mesa nila.

"Pasensya kana sa kakulitan nila. Ganyan talaga ang mga 'yan." natatawang sabi ni Eloise sa kanya na malamlam ang mga mata.

Mukhang lasing na ito. Nginitian na lang niya ito. Napako ang tingin niya kina Britney at Natalie na gf ng dalawang kuya nina Tasha at Chloe nagsasayaw sa dance floor dalawang may lahing pinoy din ang mga babae. Ang se-sexy ng suot ng mga ito.

"Here take this!" sabi ni Tasha at iniligay nito iyon sa ibabaw ng mesa nila.

"That is sweet poison cocktail a mixtures of pineapple juice, beer, wine, liquor, coconut rum and curacao blue." mahabang paliwanag ni Tasha sa kanya.

Nakakatawa lang dahil wala siyang masyadong naintindihan sa sinabi nito basta ang alam niya ang alak nakakalasing.

Kinuha na lang niya iyon at marahang nilagok. Napangiwi nalang siya sa pait niyon. Wala pa sa kalahati ang nainum niya.

"See? I told you that's sweet." nakangiting sabi ni Tasha. Tumayo ito at iniwan sila sinundan nito ang kapatid sa kabilang table dahil may kakilala yata ang mga ito doon. Alam niya na may mga body guards ang mga ito sa paligid. Kaya malaya ang mga ito sa ginagawa.

"Eloise, mukhang lasing ka na," sabi niya dito. Kanina lang ang daldal nito pero ngayon mukhang nakatitig nalang sa kawalan kung hindi mo kakausapin hindi na ito iimik.

Napaungol ito. "Kung...nandito lang ngayon...si Daniel tiyak...magagalit ito ng sobra sa akin." bukas pa kasi darating si Daniel mula Pilipinas.

Hindi nagsabay ang mga ito dahil may meeting pa si Daniel ng araw na 'yon.

Hindi lang si Daniel ang tiyak na magagalit kay Eloise kundi pati si Aries.

"Huwag ka na kasing uminum."

"Yeah, I know medyo nahihilo na din kasi ako." sabi nito.

Pagkatapos ng ilang sandaling pag-uusap nila biglang nag vibrate ang phone niya.
Kinuha niya iyon at tinignan ang kanyang cellphone.

Bessy nandito na ako sa labas ng club.

Chat ni Lexi sa kanya. Nagpaalam siya kay Eloise na pupunta siya ng restroom pero ang totoo balak niyang tumakas! Bahala na basta huwag lang muna matuloy ang kasal. Hindi pa talaga siya handa. Habang papalit ng papalapit ang kasal mas lalo siyang nakaramdam ng takot sa sarili. Kaya ang naisip niya na pumirmi muna kina Lexi.

Nagmasid muna siya sa paligid kung may nakasunod sa kanya. Alam niyang hindi siya susundan ng mga bodyguard ng dalawang pinsan ni Aries dahil hindi siya ang priority ng mga ito kundi ang dalawang magkapatid. Pero ganun talaga kapag may tinatakasan siya nagiging matalas ang mga mata niya.

"Bessy!" narinig na tawag sa kanya ni Lexi, nang makalabas siya kaagad siyang tumakbo dito at nagyakapan sila ng mahigpit na para nga talagang ang tagal na nilang hindi nagkita.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt