Diba Asar Talo? [Oneshot]

1.5K 13 6
                                    

Jeffrey Padilla. Gwapo. Sikat sa campus. Mayabang at Suplado.

Princess Rica Mae Santos. Mabait. Matalino. Maganda. Friendly at higit sa lahat Masiyahin.

*boooooooooooooooogsssshhhh!*

"Aray!!!!!"

"Sht. Anong ginawa mo?! Tignan mo tuloy! Natapunan ko yung polo ko! tsss."

"Hala. Sorry po! Sorry talaga."

"Anong sorry ka diyan?!! Sa tingin mo ba yang sorry mo matatanggal ba yung dumi sa may polo ko?!! "

"Uyy... Sorry talaga...."

"Sino ba kasing tanga ang hindi man'lang tumitingin sa daanan habang naglalakad?!!!"

Napuno na yung babae dahil sa sobrang yabang ng lalaki na nabangga niya.

"Ay ganun ba?!! Nagsorry na nga diba? Bingi ka ba?! Oo alam ko tanga ako kasi nabangga ko isang katulad mong mayabang at higit sa lahat Matapobre! Sorry ha? dahil TANGA ako! Sorry ha?! dahil nasanggi kita habang umiinom! Sorry ha?!! kasi namantsahan ko yung beloved polo mo! S O R R Y!! at tsaka puwede ba kung magagalit ka man'lang dapat yung malaki! Kasi sa tingin ko parang isang tuldok lang naman yung mantsa!!! Tsssss." -______-"

Iniwan ng babae yung lalaki habang nakangiti pa ito sa kanya. Lahat ng estudyante nakatingin kanina sa eskandalong sinabi ni Rica sa corridor. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa isang katulad na mayabang na si Jeffrey.

Badtrip na badtrip si Rica ng pagkaalis niya kasi una nawawala yung wallet niya sa bag, pangalawa ma-lalate na siya sa unang klase niya at pangatlo nakabangga pa siya ng isang mayabang na si Jeffrey Padilla.

SHOT ONE~

Hindi inaasahan ni Rica na magiging kaklase niya si Jeffrey Padilla. Napansin niya na papansin ito sa lahat ng mga babae. Nagtataka siya kung bakit ganun ang ipanapakita niya sa lahat ng mga babae pero alam nito na ang tunay na ugali na masmasahol pa sa halimaw.

Bumalik si Rica sa kanilang classroom dahil napansin niya na may nawawalang isang notebook sa bag niya. Pagkabalik niya sa classroom ay nakita niya si Jeffrey nakaupo mag-isa sa gilid ng classroom pero hindi niya lang ito pinansin. Hinanap niya lang ang notebook nito.

"Oh?! Bakit ka bumalik?! Gusto mo ba ulit mag-eskandalo sa gitna ng corridor at pagtinginan ng mga estudyante doon?!"

"-_________-" hindi pinansin ni Rica si Jeffrey at patuloy lang itong naghahanap sa mga ilalim ng upuan.

"HAHA! Sabagay ayaw ko rin naman marinig yung nakakairita mong boses-halimaw."

"Pwede ba kung wala kang makausap diyan huwag mo akong kausapin na parang close tayo!"

"Ay ganun ba?! Baka lang naman kasi may alam ka kung kanino tong notebook diba?!" tinaas niya yung nakitang niyang notebook at ipinakita ito kay Rica sa malayo.

"AKIN YAN!"

"Ay sayo ba to? Siguro itatapon ko na lang ito!"

"Huwag!!!!! Sabi ng akin yan eh! Ibalik mo na sa akin yan!"

Lumapit si Rica kay Jeffrey para kuhanin iyon. Pero ayaw ibigay ni Jeffrey yung notebook niya at pilit inaagaw pa rin ni Rica mula sa kamay ni Jeffrey ang notebook. Pero hindi niya ito maabot kasi sa sobrang tangkad nito sa kanya.

"Tae! May gusto ka bang ipagawa at parang ayaw mo akong tantanan?!!"

"Tinatanong mo ako kung anong gusto ko ipagawa sayo? Sige ba. Sinabi mo eh. Simple lang naman. Isigaw mo sa Canteen na may gusto ka sa akin!" *grin*

One-Shot Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon