He died [Oneshot]

310 2 0
                                    

Sa bawat gising ko sa umaga, lagi akong nasasabik pumasok para lang sa kanya.

Ang isang katulad niya ay hinahangaan ng lahat. Lalo na ako.

Kahit hindi niya alam, halos mamatay na ako sa kilig kapag ngumingiti siya sa akin.

Mas lumawak pa ang mundo ko ng makilala ko siya ng lubusan.

Lalo na nung naging kami.

Pero bakit ganun?

Kung gaano ka kabilis pumasok sa buhay ko, ganun ka din kabilis umalis.

Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba mahal mo ako? Nasaan na yung salitang tayo?

Matagal-tagal na rin na hindi kami nagkikita. Hindi narin siya napasok sa school namin. Sana nga hindi na siya pumasok. After yung ginawa niya sa akin? Hindi ko na siya mapapatawad.

"Kath! Kath! Kath!" sigaw ng classmate kong habang papunta sa akin

"Bakit?"

"May ibibigay ako sayong importante.." ipinakita niya sa akin yung letter "Galing kay Jun"

"Sa tingin ko hindi yan importante" tumalikod ako kaya lang pumunta siya sa harapan ko

"Importante to, Kath." ipinakita niya ulit sa akin ung letter na hawak niya

"Huwag ka na magsayang ng oras. Itapon mo na lang yan." tumalikod ako at naglakad papalayo sa kanya

"Pero Kath." napahinto ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya. Medyo nagblublured yung paningin ko

"Pwede ba?! Tama na! Hanggang kailan niyo ba ako titigilan diyan about kay Jun?!! Sawa na ako na araw-araw na lang, umaasa parin ako sa kanya. Umaasa na maibabalik pa namin ang lahat. Pero hindi niyo ba ako naiintindihan?! Iniwan niya na ako!! Wala na siya!!! Kaya pwede ba tama na!!" biglang bumuhos yung mga luha ko na parang gripo

Lumapit siya sa akin at kinuha yung kamay ko. Inilagay niya yung letter sa kamay ko. "Oo. Alam namin na iniwan ka niya pero hindi mo naman alam diba kung ano ang tunay na nangyari sa kanya? Alam kong mahal na mahal mo pa rin siya." May binigay siyang pangalan ng hospital

"Please Kath.. Narinig ko na naka-confine siya sa sa isang hospital" Pagkatapos ay umalis na siya.

One-Shot Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon