Chapter 59 FINAL CHAPTER

Start from the beginning
                                    

Ako ba yung tinutukoy nya dito? Gel. Hindi ko alam na ganito ka nahirapan. Hindi ko alam. Sorry. Hindi ko alam.

“Denise, Jerich, utang ko sainyo ang buhay ko. Sobra. Aminado ako, may mga times na minsan, nakakairita na yang kalandian mo Jerich, pano ba naman, mas malandi ka pa saamin ni Denise pero keri lang friend. Alam mong love na love kita at si Denise, wala akong masabi sayo, lahat ng aura ko, inaagaw mo! HAHA. Pero seriously, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon if it weren’t for the both of you.”

Bakit ganun? Bakit kahit gaano pa kalala yung sitwasyon nya, nagagawa nya pa ding ngumiti? Bakit kahit na ganyan na yung sitwasyon nya, maganda pa din sya?

 “Alfred. O kaya naman Kuya Alfred? Naalala mo pa ba nung una tayong nagkasabay sa hotel tas kumain tayo sa Jollibee.” Ako naalala ko yun. Naalala ko yung sobrang nagselos ako nun sa bwiset na Alfred na yun. Galit na galit ako nun. “Sobrang laking ng naitulong mo saakin, sa pamilya ko at sa lahat ng taong mahal ko. Sorry. Sorry dahil nagging pabigat na ako sayo. I don’t deserve your kindness pero andyan ka pa din lagi, wag ka magalala, i will do my very best to repay you and sobrang thank you talaga. YOU ARE AN AMAZING PERSON. Ngayon, panibago nanamang journey yung lalakbayin ko at tapos na ako sa mga panahon kung saan umiiyak ako sa isang petty reason na pagiwan saakin ng taong mahal ko.”

Sa taong mahal ko. Gel. Angelie. Tama ako. Mahal mo pa din ako. Pero bakit? Bakit bigla ka nalang nawala? Tinignan ko yung date sa CD, halos last week lang to. Yung mga linggo na sinusubukan ko syang tawagan.

“Oo, aminado din naman ako na isa sya sa mga reasons kung bakit ako nagkaganito. Oo, ikaw Mike, isa ka sa reasons. Galit na galit ako sayo.” Angelie. Sorry. Sorry hindi ko talaga alam. Patuloy na yung pag agos ng luha ko. “Selfish ka... ang inisip mo lang ang sarili mo, hindi ako susuko eh, ni minsan di ko inisip na bumitaw pero ikaw mismo na nangako, ikaw ang kumalas.  Wala ka nung kailangan na kailangan kita. Alam mo yung naniwala ako ng sobra sa forever na? ”

Naniwala din ako Angelie. Promise. Umiiyak sya sa video. Lalong namamaga yung mga mata nya, namumula nanaman sya. Kahit papano, nagbago yung maputla nyang mukha pero grabe yung bakat ng buto nya sa mukha sa sobrang kapayatan, pero bakit ganun? Kahit payat siya, parang namamaga yung panga at leeg nya?

“Naiinis ako sayo, sa dinami dami ng lalaki sa mundo, sayo pa ako nagtiwala, ikaw pa ang minahal ko. Ang tanga ko...” yung pagiyak ko, kasabay ng pagiyak nya. Pinilit kong pigilan yung mga luha ko, pinunasan ko at nagtakip nalang ako ng shades ko pero di talaga mapigilan. “Ang tanga ko Mike, pero sinadya kong maging tanga, umaasa na magiging mas Masaya ako kasama ka. Kasi nga diba, I took the risk! Kahit na sinasabi ng iba na wag ikaw, kasi lolokohin mo lang ako, kasi ilang babae na ang niloko mo still, naniwala ako. Tumalon ako sa bangin , naniwala na nandun ka sa baba, handa akong saluhin pero tanga lang talaga ako kasi kahit na alam kong bangin, tumalon pa din ako.”

Sinalo naman kita Gel eh. Sinuubukan ko. Kinaya ko. Pero siguro, ako yung duwag. Ako yung mahina.

“Masaya ka na? Masaya ka na nagging ganito ako?” Hindi ako Masaya, hindi. Itinaas nya yung kamay nya na nakadextrose. “Na araw araw nalang ng ginawa ng Diyos, iniiyakan ko yung pag alis mo. Masaya ka nakasama ako sa koleksyo ng mga babae mo? Siguro poging pogi yung tingin mo sa sarili mo ngayon noh? Na meron na namang babaeng nagpakatanga sayo, na iniiyakan yung isang gagong katulad mo. Hayop ka Mike.”

Ang sakit. Ang sakit sakit. Hindi nung mga sinasabi nya saakin kundi yung nararanasan nya. Hindi ko alam na ganito kasakit yun. BAKIT ANG TANGA TANGA KO!? BAKIT HINDI KO ALAM? BAKIT HINDI KO INALAM? BAKIT NAGPAKADUWAG AKO? Andun na eh, andun na sa harap ko na may mali, pero nagbulagbulagan ako at nagpanggap na wala lang yun kahit na obvious na obvious na.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now