Chapter 41

1.3K 11 2
  • Присвячено To all the Filipinos
                                    

****

                “Kaya mo pa ba?” tanong sakin ni Alfred.

                “Oo.” Sabi ko pero halos hingalin na ako sa anim na hakbang ko sa hagdan.

                Mas humina ako, lagi na akong hinihingal, sabi epekto daw ng theraphy at gamot eh bakit ganun? Yung dapat na lalakas ako, lalo akong nanghihina.

                Tinitigan ko yung mukha ni Alfred habang inaalalayan ako. Mula umpisa, hanggang sa ngayon, hindi nya ako iniwan. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang wala sya. Halos nakadepende na ako sa kanya sa bawat araw na nagigising ako. Hindi sya nakakalimot magtext, magpaalala na uminom ako, sya na yung boyfriend ko kung talaga lang may titulo kami. Mahal ko sya, oo, bilang kaibigan pero meron na nga bang mas hihigit pa dun? Kaya ko na ba ulit magmahal pagkatapos ng tatlong buwan na puro sakit lang? Siguro hindi pa. Hindi pa nga, sariwa pa eh, parang sarili ko lang yung niloloko ko kung sasabihin ko na mahal ko na si Alfred. Nasanay lang ako masyado na sya yung nasa tabi ko.

                “Alfred.” Bulong ko.

                “Hm?” nanlaki mata nya.

                “Thank you.” Ngumiti ako.

                “Ano ka ba? Okay lang yun.” Sagot nya.

                “Wag mo kong iiwan ah?” sabi ko.

                “Hindi ah!” agad naman nya sagot, “Hindi, promise!”

                “Weh? Di nga?”

                “Oo!”

                “Papasok ka kaya sa office.” Biro ko.

                “Ay, syempre yun.” Napangisi sya.

                “Edi iiwan mo pa din ako.” Pinagpatuloy ko yung joke.

                “Magaabsent ba ako ngayon?” ito naman si loko, sineryoso.

                “UY! HINDI AH, JOKE LANG KASI YUN!” ako naman si naguilty.   

                Natawa sya. “Basta wag ka mag alala Angelie, di ako aalis sa tabi mo, pwera lang kapag papasok ako, saka maliligo ha?”

                Natawa na din ako.

                Binuksan nya na yung pinto ng classroom ko, tumayo na ako ng maayos, walang pwedeng makaalam na may sakit ako. Dapat nga di na ako magpapasama sa kanya ngayon kasi kaninang umaga nahihilo ako kaya napilitan na akong magpahatid.

                “Okay na ako ditto.” Sabi ko.

                Inabot nya sakin yung bag ko.

                “Sunduin kita mamaya ha?”

                Ngumiti ako.

                Lumapit sya, sabay halik sa noo ko.

Tapos naglakad na sya palayo.

                Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Anong nangyari?

 Bakit kinikilig ako? Bakitt nanlalambot yung tuhod ko? Bakit nya ako hinalikan?

                “HOY!” sigaw ko sa kanya habang natatanaw ko pa.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now