"Hindi ko nga alam ma Eh."

"Alam ba to ng Magulang niya?"

"Uhh... Oo tinawagan daw niya paglabas ng school."

"Eh ganoon naman pala Eh so anong problema mo at sinuntok mo yung kaibigan niya?"

"Ehhh swempre kaibigan ko si Elaine ma tapos Bad influence siya sakanya." Pagpapaliwanag ko naman.

"Siguro May dahilan naman sila kaya ginawa nila yun. Eh sino ba sa mga kaibigan ni Elaine yung sinuntok mo?"

"Hindi mo kilala ma bagong kaibigan niya yun Eh."

"Sino nga?"

"Si Timothy ma."

"Ha!? Yung bang palaging sumusundo kay Elaine araw araw?"

"Kilala mo ma?"

"Oo. nagpagusapan namin siya ng mom ni Elaine, at nakikita ko rin siya araw araw na sumusundo siya. Tinulungan pa nga ako isang beses na buhatin yung gamit ko paloob ng bahay Eh. Ang mabait nga at magalang Eh. Alam mo bagay sila ni Elaine."

"Tss." Inis na Sabi ko at sumubo nalang ng ulam.

"Oh bakit ganyan ka maka react nagseselos ka no?"

"Anong nagseselos? Bakit naman ako magseselos."

"Alam mo anak wala naman masama kung nagseselos ka kila Timothy at Elaine Eh."

"Hindi nga ako nagseselos Ma."

"Edi hindi, pero kung nagseselos ka at alam kong Oo." Sabi nito at nginisian pa ako "Eh umamin ka na kasi alam mo namang matagal ng May gusto sayo si Elaine diba. Eh ikaw naman kasi pa Hard to get pa ikaw na nga lang yung lalake eh."

"Wala akong gusto kay Elaine Ma si Kiara ang gusto ko!" Pagpapaliwanag ko naman.

"Sige wala kung wala, pero sabihin natin meron kahit konti. Kung dumating sa Punto na Ma realize mo gusto mo pala si Elaine, baka huli ka na at may iba na siya. Kaya kung ako sayo isipin mo ng mabuti kung sino talaga gusto mo."

"Ma."

"Wait hayaan mo akong matapos. At tandaan mo Iba ang Gusto sa mahal kaya isipin mo ng mabuti kung Gusto mo lang si Kiara at hindi mo siya mahal. Kasi baka iba ang Mahal ng puso mo."

"Oo na nga Ma, pwede bang kumain nalang tayo."

"Pwede naman, oh sige na kain na tayo at kanina pa tayo nagkwekwentuhan."

"Si Dad at Aria pala Ma?" Takang Tanong ko kay mama. Si Aria nga pala ang Younger Sister ko nag aaral siya sa ibang school kasi high school lang meron sa school ko.

"Eh nag mall pa ata sila ni Daddy, Sabi niya dun na daw sila kakain."

"Ahhhh."

Nagpatuloy na kami sa pagkain ni Mama at mag kwentuhan narin. Nung natapos na kami ay tinulungan ko na si Mama magligpit bago pumunta sa kwarto. Pagdating ko sa kwarto ay umupo muna ako sa Desk ko na sa tabi ng bintana, laking gulat ko nung nakita ko na nandun parin yung sasakyan ni Axel kila Elaine. Anong oras na oh nandun parin yung lalakeng yun. Pagkatapos kong gawin ang mga kailangan ay nag toothbrush na ako at natulog.

~ ~ ~

Nang nagising na ako ay naghanda na ako kaagad para sa School pagkatapos bumaba na para makapag umagahan. Pagkababa ko ay dumretsyo kaagad ako sa Dinning room at nakita sina Mama at papa na kumakain na.

I'm done chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon