"Bakit ang sungit mo na naman?" hindi niya ako pinansin at kinausap niya lang si Coco na tuwang tuwa sakaniya. Wagas na selos ko, pakiramdam ko hindi na ako mahal ni Coco dahil d'yan kay Roks na 'yan!

"Snobber kala mo gwapo." saad ko saka inom ng isang shake na ang flavor ay mango.

"Coco saan ka ba nagpunta?" tanong ko sa kapatid ko dahil nagseselos na talaga ako sa atensyon na binibibigay niya kay Roks, ni hindi nga ako matignan ng kapatid ko.

"He's eating don't talk to him." pinikot ko ang mga mata ko. "Oh edi ikaw nalang tanungin ko, paano mo ba kasi nahanap si Coco?"

"I have my own ways." nagsimula na rin siya na magslice ng cake na para sakaniya habang hindi pa rin dumadako ang paningin niya saakin.

"Saan mo siya nahanap?"

"I'm so lazy to explain, just eat Cenery." napatanga ako nang sumulyap na siya at binigyan ako ng 'bored' na tingin.

Napakagat ako saaking labi dahil nainis ako sa ginawa niya. "Coco, saan ka galing? Bakit ka umalis ng bahay?" baling ko sa kapatid ko na enjoy na enjoy sa pagkain.

"He's looking for----." pinutol ko ang sasabihin ni Roks dahil umepal siya, hindi ko naman na kausap.

"Ikaw ba si Coco, masyado kang papansin no? Kaninang kinakausap kita nagiinarte ka tapos ngayon makikisawsaw ka, fishball ka ghorl?" pinagtaasan niya ako ng kilay at pinag-igtingan ng panga.

"I told you not to talk him cuz he's eating, do you know the proper manners?" malalim na boses na usal nito.

Pinaninkitan ko siya ng mata at malutong kong ibinigkas ang "Mama mo manners." bibigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin dahil hindi n'yan gets

"What?"

"WHATer."pambabara ko pa kaya bumuntong hininginga siya at 'di nagsalita. Halatang nagpipigil siya ng inis habang nakatingin ng diretso saakin.

Ngumisi ako saka nilingon si Coco na walang pakialam sa paguusap namin busy 'to sa pagkain niya. "Coco, Gusto mo ba magalit si Ate?" matamis kong saad dito kaya tumingin siya saakin at ngumuso.

"Bakit ka umalis ng bahay? Saan ka pumunta?" ulit ko pa dahil natigilan na siya at 'di na nagsalita.

"You're creep him out." pinagtaasan ko ng kilay si Captain Roks dahil nakatitig lang saakin ang kulay abo niyang mga mata.

"H'wag kang jollibee d'yan ha." umirap ako at binalik ang tingin kay Coco.

"Jollibee?" inis akong napakamot sa pisnge ko dahil hindi niya pala gets 'yung mga gano'n na salita. Jusko, nasa Pilipinas siya tapos 'di niya alam 'yun.

"Oo, pabibo. Pabida" sarkastiko kong usal kaya kinagat niya ang labi niya na nagpatulala saakin doon.

Ang sexy, potakte.

Napalunok ako at iniwas ang tingin ko, kalma mo tingkil mo self. "Your words is so annoying."

" Anak ng shooting star papansin ka kasi, kausap ka ba?" nakakainis kasi, kaninang kausap ko siya ayaw niya magsalita at sinusungitan ako pero kapag 'di ko naman siya kinakausap nakikisawsaw.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon