"Ay sayang naman. Pero sige kuya. Pahinga kana. Ako na din maghuhugas." sagot niya na may halong pagkadismaya.

Wala naman akong magawa kundi manatili dito para daw "safe".

••••••••••••••

Mabilis natapos ang weekends ng di man lang kami lumabas ng bahay , marahil ang aming kubo ay nagtampo na.

Lunes ngayon, nagpaalam ako ki Manager Kang na aabsent ako dahil mag-eenroll na kami.

"A , gising na. Magmadali ka at para maaga tayo roon sa SEAU. Siguradong marami ang mag-eenroll ngayon." sigaw ko

"Hmm." tanging sagot niya

Also nuebe kami nakarating sa SEAU , marami na din ang mga tao. Sa gate palang halos malula na ako sa taas. Napakaganda nito sa labas palang how much kapag nasa loob na? Isa kasi ito sa pinakasikat na paaralan sa buong Pilipinas. Pagmamay-ari ito ng pamilyang Lastarde. Lastarde family ang isa sa pinakamayaman at makapangyarihan dito sa buong bansa.

Gaano kayaman? Hawak nila ang pinakasikat na mga kompanya dito , hotel, botique, mall , sobrang dami. Tapos yung mga branches ng mga pagmamay-ari nila all over the Asia.

Gaano naman ka makapangyarihan? Si Senyor Alfredo Lastarde ang governor ng lugar na ito. Ang asawa niyang si Senyora Almiya Lastarde ay dating senador. O diba , makapangyarihan talaga.

Well ang Southeast Atmo University (SEAU) ay kompleto na mula kindergarten hanggang college.

Nakapila na kami ngayon ni Akumi. Malapit na kami , tatlo na lamang ang sa harap namin.

Alas onse ng makapag-enroll kami. Nakaramdam ako ng gutom kaya kumain kami don sa cafeteria nila.

Sobrang namangha talaga ako sa laki ng cafeteria nila , ten times ata ang laki sa bahay namin. Tapos yung mga lamisa at upuan e mukhang mamahalin . Parang yung Kabila sa Makati City.

Paano ang school na pinanggalingan namin ay napakasimple lang. Yung school na talagang tipikal lang. Kaya siguro ang baba ng tingin ng mga nasa pribado , sobrang layo naman kasi talaga ng diperensiya.

Umorder lang ako ng pasta at burger samantalang si Akumi naman e crispy para at fries.

Unti-unting napuno ang cafeteria , kung anong dami ng taong lumalabas e doble naman ang pumapasok.

Mas lalo tuloy lumakas ang ingay sa loob ng cafeteria. May mga nagtatawanan , nagkwekwentuhan. Mga magkakaibigang nagkita muli. May iilan ding kasama ang kanilang magulang na kumakain. Nakakainggit naman. Sana buhay pa din sila mama at papa.

•••••••••••••••

Unknown PoV

Narito ako sa di kalayuan , tama lamang para matanaw si Jiyo at Akumi.

Matagal ko na itong ginagawa. Lagi lamang akong nakamasid sa kanila.

It's my duty to keep them safe and sound.

Lalo na ngayong kumikilos na naman sila. Unpredictable pa naman ang grupong iyon. Ang hirap nilang basahin.

Sana lamang ay manatili silang ligtas hanggang sa maisakatuparan ang plano namin.

Hindi pa ganun ka plakado ang mga plano namin kaya malaking tulong kapag nakikinig sila sa mga paalala sa kanila.

Sa ngayon masaya ako na masaya sila. I want them to be safe always , kaya gagawin ko ang lahat to keep them away from danger. Hindi dahil sa duty ko ito kundi dahil sila na lang ang meroon ako.

Please , Jiyo and Akumi keep safe.

Nakita ko silang tumayo. Marahil ay tapos na silang kumain.

•••••••••••

Tapos na kaming kumain , kaya lumabas na kami.

Uuwi na kami dahil wala naman ding iba pang gagawin dito. Saka na kami maglilibot. Tsaka kailangan ko magreview para sa scholarship exam, kailangan kong makapasa dahil kung walang scholarship ay di ko kakayanin ang babayarin.

Tungkol naman sa mga school supplies e kasama na iyon sa binayaran namin kanina pati ang uniform namin. Well ang aklat ay babayaran namin.

Kausap ko si A , ayan tuloy may nakabanggaan tuloy ako.

"Sorry , di kita nakita. Nag-uusap kasi kami ng kapa..." di ko pa natatapos sabihin ang gusto kong sabihin ng tumakbo na ito. Siguro'y busy siya o may hinahabol. Binalewala ko na lang.

Alas dos ng makauwi kami sa bahay. Sobrang nakakapagod ang buong maghapon. Pero ayos na , dahil di na kami mamomroblema para sa enrollment.

Hay papasok na ako bukas at kakausapin ko pa si Manager Kang , patungkol sa sitwasyon ko. Hindi na ako makakatrabaho ng week days sa mga susunod na linggo dahil pasukan na kaya kakausapin ko siya na kung pwedi e every weekends na lang ako papasok. At sana pumayag.

••••••••••••••

Iloveyou all 💖

Verse of the day
John 3:16 ❤️

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now