V

4 0 0
                                    

Ngiti

Hindi ko inakalang makikita ko si mama at papa sa aking panaginip. Yeah I consider it bilang panaginip, masayang panaginip. Kahit sa ganung paraan naramdaman kong safe ako. I felt like home. I missed them so much.

I feel so alive ng bumangon ako , parang ang gaan sa pakiramdam.

Kumakanta ako habang nagluluto. Iniwan ko ang sinalang kong kanin at dumiretso sa banyo.

Sabado ngayon , walang trabaho kaya marahil tutungo kami mamaya ni Akumi kila Aling Nena. Nakagawian na namin iyon kapag weekends paminsan minsan.

Maaga ding nagising si Akumi, kaya maaga din kaming nakakain.

"A , pupunta tayo mamaya kila Aling Nena , namimiss ko na ang luto niyang balisungsong." Saad ko

"Sige kuya. Namiss ko na din sila." she answered back.

Tumunog bigla ang aking selpon hudyat na may tumatawag. Sino kaya ito, kay aga namang tumawag.

Unknown caller.

"Hello?" I said

Tanging ingay lamang ng mga punong hinihipan ng hangin ang aking narinig. Walang sumasagot.

"Hello? Who's this?" ulit ko

"Stay at home." boses ng babae ang aking narinig.

"Pwedi bang malaman kong Sino ito?" irita kong sabi. Pati si Akumi ay lumapit na din.

"Believe me , stay at home." kalmado niyang sagot sa kabilang linya. "Kung di ka makikinig ay maaaring mapahamak kayo."

Kinabahan ako , buti na lamang at hindi nakaloud speaker kaya di naririnig ni A , ang pinag-uusapan namin. Scam na naman ito?

Naghihintay ako na sabihin niyang "it's a prank" baka sila Mia lamang ito at pinagtitripan ako. Kukutusan ko talaga ang babaeng iyon. Pag iyon nakauwi na galing Maynila, kakalbuhin ko ang bulbol niya sa kilikili :\

"Huy, Mia prank ba to? Kung prank to , di ka nakakatuwa. Kakalbuhin kong bulbol mo sa kilikili kapag ikaw di pa tumigil ha." pinilit kong ikalma ang boses ko kahit sa loob loob ay kabado na ako.

Damn this girl , at ano daw stay at home? Paano niya nalaman na aalis kami? Stalker ba to?

Wala ng sumagot , pinatay na pala ang tawag.

Maniniwala ba ako don? I have this guts na sinasabing maniwala at magstay na lang sa bahay.

Excited na pa naman si A na pumanhik papunta kila Aling Nena. Magdadahilan na lamang siguro ako mamaya na sumakit ang ulo ko , sumakit ang beywang ko. Sexbomb , sexbomb. Bahala na.

"Kuya? Sino yung tumawag?" tanong niya sa aking likod

"Ah wrong call lamang siguro o di kaya ay scam. Alam mo na uso na yun ngayon." tinago ko ang kaba sa aking baol. Ayaw kong mag-alala si A. "Tsaka , A sunod na lang tayo dadalaw kila Aning Nena ha, sumakit bigla ulo ko."

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now