||• Chapter 37: Uh-oh•||

Magsimula sa umpisa
                                    

Napansin ko naman na bumalik si Phoenix at may inabot saakin, pagtingin ko ay water bottle pala yun. Nagtaka naman akong tumingin sakanya. "Drink it. Tss" cold niyang sabi inabot ko nalang yung water bottle at uminom. "Thanks" pagpapasalamat ko tumango naman siya at bumalik sa puwesto niya kanina, si Xander naman ay kinausap ako hanggang sa di ko na namalayan ang oras.

~♥~

"So... What are we gonna get?" tanong ni Phoenix na kaharap ko ngayon at kasama kong nagplaplano.

"Uhmm..."

~Flashback~

Eksaktong 4:00 ay dumating ang mga Professors pati narin si Head Mistress. Nandito na rin halos lahat ng estudyante, sigurado akong hindi lahat ng estudyante ay nandito dahil mas konti ang nakikita ko ngayon kaysa noong may announcement na naganap sa gym noon. Halos 1/4 ang wala ngayon dito.

Napatigil ako sa pag-o-obserba sa paligid noong nagsalita si Head Mistress.

"I know you are all aware that from this day on you will have a 3 week activity outside our school. This activity will be held on the Kingdom of Ethania." ani Head Mistress. Nagsimulang magbulungan ang mga estudyanteng narito.

"Willow, pupunta tayo sa kaharian niyo! " excited na sabi ni Aesha habang nakayapos ang mga kamay sa braso ni Willow na halata mong masaya rin.

"We know that you are all curious about this activity and what type of activity is this, your questions will be answered when you get there. All I can say is good luck and have fun." nakangiting sabi ni Head Mistress

Muli nanamang umingay ang paligid matapos magsalita si Head Mistress maya maya ay napunta lahat ng atensiyon namin kay Prof Naila at Prof Timothy nung pumunta sila sa harap.

"We are giving you a last chance to get whatever you may like to bring with you for your activity. We are giving you exactly 50 minutes to get whatever you want, after that return here for our departure." nakangiting sabi ni Prof Naila. Nag-ingay nanaman ang buong paligid dahil sa nalaman.

"But before that, let me inform you that in this activity, you will have...... a partner...."  nakangising sabi ni Prof Timothy

Partner?

"As we call your name come infront to recieve your necklaces. These necklaces will represent your team so don't lose it." pagtuloy ni Prof Timothy sa sinasabi niya

Maya-maya ay nagsimula na silang magtawa ng mga pangalan.

"Stella and Sky"

"Liam and Stacey"

"Zane and Gian"

"Maegan and Thea"

"Kurt and Althea"

"Snow and Trish"

Huwaaa! Buti pa silang dalawa!

"Carter and Piper"

"Aesha and Aeron"

Mystic Academy: The Long Lost Elemental Princess [On Going] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon