"Its okay, Professor," muling pagsagot ni Sulivan. 

"Very well, then! Just come to my office tomorrow afternoon and get the copy."

Nang umalis si Professor Amilagir ay inis kong hinarap si Sulivan. Muli kong pinag-krus ang braso at mataman siyang tiningnan.

"Back to what I just said, I want to show some gratitude to you that's why I would want to know what do you want in exchange?"

Unti-unting lumiit ang ngisi niya sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya pero nagawa pa rin niyang tumawa nang mahina.

"Again, a simple thank you would suffice, Pantorilla."

"A simple thank you maybe enough for you but not for me, de Lopezes. I want us even. Ayokong tumanaw ng utang na loob sayo. Kaya sabihin mo na ngayon kung anong gusto mo."

Doon na nawala nang tuluyan ang ngisi niya. His brows furrowed and his lips formed a grim line.

He stared at me for I don't know how many minutes, all I know is that I'm starting to get uncomfortable. I don't like how his eyes darted on me like it's seeing through me. I don't like how his eyes tried to assess my whole being. Just.. I don't like his eyes!

"It's my choice to do that, Pantorilla. I'm not expecting something in return."

Iyon ang huli niyang sinabi bago tuluyang magpaalam at tuloy-tuloy na pumasok sa classroom nila. Kumunot ang noo ko.

Ano bang problema niya? Siya na nga ang ginagawan ng pabor, siya pa ang mukhang galit? Bahala siya.

Pagdating sa classroom namin, hindi pa ako nakakaupo ay lumapit na iyong seatmate ko.

"Aphra, totoo ba? Nahimatay ka noong saturday?"

"Yanna, ilang beses ko bang sasabihin sayo na totoo nga! Nakita ko nga, di ba?"

"Syempre, Airah. Iba pa rin 'pag galing kay Aphra."

Hindi ko siya pinansin at nilabas na lang ang libro ko. Nilapit niya ang upuan sa akin.

"Bakit, Aphra? Mahirap ba ang exam?"

"Kailangan mo pa bang tanungin si Aphra para malaman ang sagot? Hindi pa ba sapat ang sariling experience, Yanna?"

"Alam mo, bida-bida ka talaga. Iba nga kasi 'pag nahirapan si Aphra. Matalino 'to eh. Pag nahirapan siya, walang duda, talagang mahirap ang exam!"

Muli siyang tumingin sa akin at nambato ng kung ano-anong tanong. Hindi ko siya pinapansin noong una pero nang mainis ako'y hindi ko na napigilang magsalita.

"Leave me alone, will you? I'm trying to do something productive here."

Tiningnan niya ako na parang 'di makapaniwala sa nakikita.

"Kakatapos lang ng mockboard, mag-aaral ka na naman ulit?"

"Natapos na nga ang mockboard pero hindi pa naman tapos ang academic year."

"Grabe!" singhal niya bago medyo nilayo ang bangko habang bumubulong-bulong. "Kaya nahihimatay, eh. Di marunong magpahinga."

"Oh anong nakuha mo sa pagtatanong, Yanna?" asar ng kaibigan niyang si Airah.

"Ewan ko sayo!"

I just ignored them. And.. sino bang may sabing hindi ako nagpapahinga? Concern din ako sa health ko kaya nga lagi akong may maayos na tulog. Sadyang sa school lang ako madalas mag-study at lagi nila itong nakikita kaya tingin nila'y hindi na ako nagpapahinga. Kahapon nga ay wala akong nabuklat kahit na isang libro.

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now