"Oh, Jiyo ayos na ba ang iyong pakiramdam?" salubong ni Manager Kang.

"Ah yes sir." sagot ko.

Tulad ng dati punuan pa din sa restaurant. Kung may lalabas e doble naman ang pumapalit para kumain.

"Waiter?" isang babae ang sumigaw sa akin, balingkinita ang katawan. Naka all black siya na bumagay sa kurba ng kaniyang katawan. Pointed nose , sexy lips at ang abuhin niyang mata.

"Ma'am? Ano po iyon?" sagot ko ng marating ko ang table nila.

"Burger , pasta, french bread, fries. Iced tea for my drinks. Pakibilis." siga niyang sagot. Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya.

Inihatid ko ang listahan ng inorder niya. Mahirap na at baka masigawan na naman ako.

Malalaking hakbang ang ginawa ko, bitbit ang order niya iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito. Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Umabot hanggang ulo ko ang kabang nararamdaman ko. Bakit ganito?

"Ma'am , here's your order. Enjoy." sabi ko.

Halong kaba at takot ang nararamdaman ko ng magkatitigan kami. Tila pamilyar ang mata niya. Umiwas siya kaagad ng tingin.

Umalis ako kaagad don. "Sir , bathroom lang po." Paalam ko kay Manager Kang.

Halos patakbo akong tumungo sa c.r. nanginginig ang tuhod ko ng marating ang C.R. Naabutan ko doon si Ninyo.

"Uy , Jiyo? Ayos ka lang ba? Ang putla mo." tanong niya

"A-ayos lang." pilit kong kinalma ang sarili ko.

Tumango siya at lumabas na.

Her eyes , ang kulay gray niyang mata kaprehas ng mata ng taong nakita ko nakaraan. Nanatili ako doon ng halos 10 minuto bago lumabas ng banyo.

Nakita kong ubos na ang pagkain ng babae na iyon. Nakita niya ako kaya suminyas siyang lumapit ako.

"How much?" tanong niya ng makalapit ako. Ang mata niya ay nakatutok na ngayon sa kaniyang selpon.

" 1,210 p-po ma'am." utal kong sagot. Sh*t di naman nakikisama itong kaba ko.

Umabot siya sa akin ng 2k. "Keep the change." sabi niya ng nakatalikod na.

Hahakbang na sana ako patungong kusina bitbit ang mga pinagkain niya, pero parang may pumipigil.

Nakita ko si Philip , kasamahan kong waiter dito. Tinawag ko siya at ibinigay ang bitbit ko kanina. "Pakidala naman sa kusina." sabi ko. Tumango lang siya.

Hinabol ko yung babae , nakita ko siya na papasakay na sana say kaniyang motor ng pigilan ko siya.

"Ma'am? E-excuse m-me po." sabi ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

Lumingon siya , ngunit sa pagkakataong ito ay nakasuot na ang kaniyang salamin. "Yes?" halos singhal niyang sagot.

"Ma'am you look familiar po kasi. Nagkita na ba tayo before? buti at tumuwid na ang aking pananalita.

Tanging nakataas na kilay lang ang sinagot niya. Bigla akong natakot ng nagtiim bagang siya.


"S-sorry ma'am . Baka po magkamukha lang kayo." paghingi ko ng pasinsya.

Di niya na ako binalingan at pinaharurot na ang motor.

Napasabunot ako ng maisip ang aking ginawa. Masyado talaga akong nagpapadalos dalos. Bakit di ako nag-iisip? Marami nga namang kulay abo ang mata at siguro ang kabang nararamdaman ko kanina ay dahil sa paraan ng pagsagot niya. NOTHING ELSE.

••••••••••

Pagbukas ko sa pintuan ay dire diretso ako sa pagpasok kahit ang pagkagulat ni Akumi ay di ko ininda. Okupado na naman ang isip ko dahil sa babaeng iyon at sa katangahang ginawa ko.

Diretso ako sa kama at pabagsak na humiga. Sumasakit ang ulo ko.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nariyan na naman siya habol habol ako. Sumali ata ito sa takbo , dahil hindi napapagod. Malapit na naman niya akong maabutan. Mas binilisan ko ang takbo kahit pagod na pagod na ako. Nakakita ako ng liwanag sa di kalayuan , tumakbo ako patungo sa lugar na iyon.

Narating ko ang lugar na iyon ng may makita akong dalawang pamilyar na pigura , nakatalikod sila.

"Parang awa niyo, tulungan niyo ako." sabi ko sa mga nakatalikod na pigura.

Unti-unting lumingon ang dalawa. "Mama? Papa?"

Nakita ko si mama at papa ng nakangiti.

•••••••••••••••

Good day everyone. Keep safe and stay at home. I love you 💖

Unwanted LoverWhere stories live. Discover now