"Lety!,Congrats,ganda natin ah,hindi halatang---."bahagya ko itong hinampas sa balikat,sinadyang putulin kung ano man ang sasabihin nito.

"Nako,walang celebration huwag ka ng mang-uto Leocio!."tumawa ito,nilingon ko si Zenor na wala man lang kaemo-emosyon ang mukha.

"Hindi pa ba kayo tapos mag-usap?." ngumisi sa akin si Leocio.

"No,we're done,may iba pa rin akong sadya dito."ngumiti ako,tumango ngunit pagkatapos nito magpaalam kay Zenor, bago ito tuluyan makaalis ay inabot ko dito ang graduation dress at toga ko para siya na ang magbigay, ng tuluyan na itong maka-alis ay kaagad ko ng nilingon si Zenor at hinigit ito palayo sa gymnasium, narinig ko ang asik nito.

"Tumakas ka,bigla mo aking hinigit,hindi ba dapat ay tumatakbo tayo?."agad akong napalingon dito,malaki ang ngisi sa aking labi.

"Don't look at me like that!."hinila niya ang kanang kamay niya sa akin,tumawa ako.

"Hmm.Para ba masabing romantic naman?."hindi makapaniwala ako nitong tiningnan.

"I'm going."walang emosyon nitong iniabot sa akin ang isang paper bag,kaagad ko iyong kinuha at sinilip ang nasa loob nito.

"Wow,talagang gusto mo matikman ko ang handa mo sa celebration ah."

"Stop concluding.Hindi ako pupunta dito at ibibigay iyan sa iyo kung hindi dahil kay Mom."napatango naman ako,kunwaring hindi nakukumbinsi sa kanyang sinabi, akmang tatalikod naman na ito ng hinigit kong muli ang kanyang braso.

"What?!."kita ko ang pagka-irita sa mukha nito,natawa ako,napailing-iling.

"Aalis ka na agad?,iiyak ka lang sa bahay niyo e."

"Why would I?."

"Kasi next school year wala ng maganda at cute na si ako,in other words you'll gonna miss me." kumindat ako dito,narinig ko naman ang pag-asik nito.

"If I'm going to cry it is because of joy and not because I'll miss you." tinawanan ko na lamang ito, kakaiba talaga,marami pa rin talagang hindi marupok na lalaki.Tinalikuran na ako nito,napasimangot akong nilakihan ang aking hakbang para maabutan itong muli.

"Uuwi ka nalang din naman ihatid mo na ako."napahinto ito sa paglalakad at hinarap ako,magkasalubong na ang mga kilay na hindi kakapalan.

"Mag-tricycle ka nalang." puma-mewang ako at pinagtaasan ito ng kilay sakto naman na nakita ko hindi kalayuan si Leocio, napangisi ako,kakawayan ko sana ito para dito na makisabay ng hilahin pababa ni Zenor ang aking kamay.

"Let's go.Avoid messing with someone's life."malaki ang ngisi ko habang papunta kami sa kanyang motor.

Todo ang yakap ko sa may bewang nito,hindi ko nakikita ang kaniyang reaksyon ngunit sigurado ako na gustong-gusto na ako nitong sipain paalis sa kanyang motor.

"Magkakilala pala kayo ni Leocio."

"No,nakita ko lang siya duon,tapos dahil nakaka-bored nag-usap kami."

"Nakaka-bored talaga habang hinihintay iyong pangalan kong tawagin."I sighed before I continue.

"Pasensya ka na,kahit hindi naman una sa order iyong surname ko,e sulit na sulit naman kapag dumating na sa akin,halata nga kanina e,halos tulala ka sa akin." natawa ako ng marinig ko ang pag-asik nito,maya-maya lamang ay lumakas ang hangin,dinama ko pa iyon.

"Are you sick?."dahan-dahan lumuwag ang pagkakahawak ko sa bewang nito.

"Totoo naman kasi,tulala ka kanina sa kagan---."

"Is it true that you have a permanent insomnia?,na hirap ka makatulog?."I laugh.

"At sino naman ang nagsabi niyan si Leocio?."

"Yeah."I sighed,bahagya pa akong natatawa.

"Totoong hirap ako makatulog,at kung sakit nga iyon ay hindi ko alam,but I'm sure I'm not normal,I'm extra-ordinary!,kaya saan ka pa sa akin ka na."humalakhak ako,hindi ko naman ito narinig na nagsalita hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay,marahil ay kanina pa ito naiirita sa aking pagtawa.

"Thanks baby."pagbibiro ko dito ng makababa na ako sa kanyang motor.

"You're welcome ate."he emphasized the word ate,he never called me by my name he always that word of respect,sabagay dalawang taon ang tanda ko sa kanya.

Pinagmasdan ko ito,hindi pa umaalis nakatitig sa aking bahay.

"Gusto mo pumasok?..sa buhay ko--ay! sa bahay pala?."tumawa ako,pinag-taasan naman ako nito ng kilay.

"Tsk.No,thanks.Alis na ako."ngiting-ngiti naman ako na tumango dito at pinaandar niya na ang kanyang motor,todo kaway pa ako hanggang sa hindi ko na ito matanaw,at nang humarap ako sa aming gate,pagbukas ko dito,pagkatungtong ng aking mga paa sa loob ng bahay ay unti-unti ng nawala ang ngiti sa aking labi.

Scattered Fate In Our Stars (Completed)Where stories live. Discover now