"Ba't ka naninigaw?" Tanong niya. Bilis maghanap ka ng sagot.

"Ahh yun," turo ko sa pusa. "...yung pusa kasi dinilaan yang pan na pinaglutuan mo." HEHE.Sorry ming.

"Sshhtt! Alis! alis nga! Letche ikaw pang pinakain dito dumila ka pa!" pagtaboy ni tatay sa pusa na nasa may stove.

"Meow!Meow!Meow!" Tinig ng pusa na lumabas.

Haysst.

"Sino pa lang kasama mo dun?" Tanong niya at umupo pabalik.

"A-ahh si Lalaine lang po," huminahon  ka self. "...napagkasunduan kasi namin na magleave muna sa trabaho at mag relax."

"Ahh salamat naman at di ka nag-iisa," agarang sabi niya. "...kailan pala ang alis niyo?"

"Sa linggo po ng hapon," sagot ko at niligpit ang aming kinainan.

"Ahh. Ang araw pala kayo dun?" Concern talaga si Tatay, mapag-usisa.

"1 week lang po,yun lang makaya ng budget e," I lied.

"Ahh di naman pala matagal. Ako payag ako anak, basta ipangako mo lang sa'kin, na mag-ingat kayo dun. Di nyo pa naman kabisado ang lugar." may pagbabantang sabi niya.

"Yes, Sir!" at sumalot pa ako sa kanya.

"HAHA. Ikaw talaga. Maghugas kana nga riyan at makatulog kana.... Goodnight anak." At bumiso pa sakin, bago umalis.

Hay, hugasin.

"Sige Tay. Goodnight po." At niyakap siya. 'You're always the best Tay. The most supportive and grapowest Tatay in the world. Ang swerte ko po at nagkaroon ako ng tatay na tulad niyo.' sabi ng utak ko pero nahiya akong sabihin sa kanya baka lumaki ang ulo.
"...I love you Tay."

" I love you too, anak." Sabi niya. "...ikaw ha, ang sweet mo na ngayon." panunudyo niya pa.

"Mas sweet ang hugasin tay," biro ko.

"Manghugas ka na nga," sabi niya.

At nanghugas  na ako. Salamat naman at pumayag ang strikto at mapagbiro kong tatay. Noon kasi ni night group study di ako papayagan lalo pa pag night-outs such bar etc. Kaya hayun medyo inosente ako sa mga bagay na yan. Wala din akong masyadong maraming kaibigan noon. Sabi nga nila glasses na lang ang kulang at nerd  na ako. Pero kahit pa man di ako nagpatinag at nag-aral ng mabuti kahit nagkaroon ng slight na problema at nagkapagtapos ng pag-aaral na maraming alam sa loob ng klase ngunit sa labas ay inosente. I mean sa labas ng classroom mas may alam ang iba sa'kin, sa mga arte, fashion, outings etc. Ako bihira lang ang experience.

Matapos akong maghugas at pumunta na ako sa kwarto ko't naligo. Matapos ay nagblow dryer naman ako ng may maalala. Kinapa ko agad ang cellphone ko at tumawag.

"Oh?!" sagot ni Lalaine.Wow ha, galit.

"Lalaine, samahan mo ako bukas mamili ahhh kita tayo sa VGM Mall 9:00 okay?" pangdiretso ko na dahil inaantok na ako.

"Okay, yun lang ba?" Tamad na wika niya.

"Ohh yes dear. Gusto mo marami?" Pang-asar ko pa.

"Okay, bye." At pinutulan ako ng linya.
Inantok na talaga siya.Teka anong oras na pala.

Ooop!

"11:00  na ? God matulog na ako." Sabi ko at nag pray bago ipinikit ang mga mata. 'Sana Lord, siya na ang 'the one and only ko'. At maenjoy namin ang aming stay sa Palawan' Ilan lang yn sa mga ipinalangin ko. Na sana siya na nga ang para sa'kin.

*Kringgggg

"Ahhh!" at kinapa ang aking alarm. Bwisit ang aga-aga pa.

At natulog ako ulit.

Once in a Lifetime {On Going}Onde histórias criam vida. Descubra agora