Best Friend
" I closed the deal, Ms. Servaio." sabi niya at nagkamayan kami.
"Our pleasure, Mrs. Perez." magiliw na sabi ko. Yes!
At umalis na siya, nasa mid-40s pa si Mrs. Perez, asawa ng CEO.Sabi ng iba talagang strikta daw siya at maldita. Kinabahan nga ako ehh sa meeting namin akala ko di siya madaling kausapin. Pero nagkamali pala ako, mabait pala siya at madaling kausap.Napakaprofessional nga ehh, pormal na usapan talaga at di umabot ng isang oras ang aming meeting. Minsan di talaga totoo ang chismis hayss!
Lumabas na ako sa Café, at tinungo ang aking sasakyan sa parking lot. Nang...
*Beep!*Beep!* May bumusina sakin!
Napalingon ako sa direksyon ng busina...Hala! Nakaharang pala ako.Shht!
At nagmamadali akong umalis, hayss muntik na yun, ahh...baka hindi pa ako makahanap ng boyfriend nasagasaan na ako dahil sa katangahan ko. Napailing na lang ako. Nang may maalalang.....
...kung hindi ako nagkakamali, kotse yun ni......ahh shht! Hindi! Iba yun, baka magkapareho lang...noon lang yun.... Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa manubela...Talagang gulong-gulo na ako!
Ilang saglit pa...
*Nagvibrate ang cellphone ko
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag...Hayss si Lalaine pala akala ko kung sino na.
"Hello,Lalaine?Napatawag ka?"
"Hello,Lis...free ka ba ngayon?" balik na tanong niya.
Bakit kaya?
"Ahhh...not really, kakatapos lang ng meet-up namin ni Mrs. Perez." sabi ko.
"Tapos naman pala eh.Saan ka ba ngayon?"
"Nasa parking lot pa ako ng Happy Café," sabi ko. "...Bakit ba?"
"Lis, may importante akong sasabihin sayo..." seryosong sabi niya.
Ano kaya 'yun?
"About what? Lalaine,"
" Basta, mamaya ko na sasabihin puntahan mo na lang ako sa opisina ko, okay?"
"Okay, hintayin mo lang ako riyan." sabi ko. May magagawa pa ba ako, mukhang importante ehh, seryoso.
"Sige, Lis ingat..."
"Sige, bye."
At ni-restart ko na ang aking sasakyan.
Pagdating ko sa building namin, ipinark ko kaagad ang aking sasakyan sa parking lot at pinuntahan ko kaagad ang opisina ni Lalaine.
*Tok-Tok-Tok* I knocked.
At hinay-hinay na bumukas ang pinto. At sumilip siya. Ano bang kasing sasabihin niya, at parang mang-sendikato ang mode nito?
"Lalaine, ako lang 'to okay?" sabi ko.
"Halika, pasok"
"Lis, Lis, andito siya, andito na siya..." di mapakaling sabi niya.
"Saan?" at nilibot ko ng tingin ang buong office niya.Wala naman ahh!
"Hindi, hindi dito sa office ko. Hahayaan ko ba siyang makita akong ganito? No! No way! Pero nagbalik na siya, nandito na siya sa Pilipinas... At may meeting kami bukas," natatarantang sabi niya.
"W-what?" parang umawang ang mga labi ko sa narinig ko. Si Lester? Nandito na siya?
"Oo! Nandito na siya! At nag-invest pa siya sa company natin...at may meeting pa kami bukas..." naguguluhang sabi niya. The F!
"...Lis, paano na'to? Tulungan mo ako........kung di nalang kaya ako sumpot bukas?" tanong pa niya.
YOU ARE READING
Once in a Lifetime {On Going}
RomanceThere are events and opportunities that comes in our life for just once. There are chances that knocks in our doors for just once. No repeatations...and never comes back. It's either you take it...or...leave it. Does she take it or forever lose it?
