"Tssh!" Yun lang sagot ko. Nasa mood kasi ako e, magtaray hahaha.

"Teka parang mayroon din ako nito ah," sabay kuha ng bag niya.

"Eto oh," shuckss pinadalhan din siya!

"Luh, oo nga," mangha pang sabi ko."...buksan mo nga baka iba ang laman.."

"Ohh ito na," at binuksan ang card.

Oooop!

"OH MY GOD! LIS! ticket din to Palawan!" sigaw niya.

The F! So dalawa kaming pinadalhan niya! Bullshit!!Akala ko ako lang?

"Gosh!" yun lang ang naging reaksyon ko. "...Saan galing?"

"Di ko alam," sambit niya. Grrh.

"Akin na nga," at hinablot ko ang card. Letse! Two timer!

Halos punitin ko na ang card sa kakabaliktad, sa kakausisa kung may nakalagay bang pangalan kung saan galing.

"Bwiset!!!Bakit wala?" Frustrated kong sabi.

"Huminahon ka nga!" sabi ni Lalaine at pinapaupo na ako.God? Nakatayo ba ako habang binabaliktad ang card?

"Wag ka ngang OA Lisa," flat niyang sabi.Alam niya kung anong iniisip ko. "... Di naman siguro iisang tao ang nagpadala sa atin nito di ba?" Napatango na lang ako. "...At isa pa hindi natin sila kilala, kaya kailangan nating pupunta sa Palawan sa sched. na inilagay nila sa ticket natin. Okay?"

"Hmmm," yan lang sagot ko.

"Wag kang OA," seryoso pang sabi niya.

"K."

"Mabuti pa at mamili kana ng mga swim wares, sun block, shades etc. para sa trip natin."

"Eh, ikaw?"

"Anong ako? Meron na ako niyan. Girl Scout kaya ako kaya always ready." hambog pa niya.

"Okay, samahan mo akong mamili ahh? Wala kasi akong masyadong alam niyan.Alam mo na..."

"Sure."

"Pero paano pala trabaho natin?" tanong ko.

"Lis, ano ka ba? Permente ang trabaho, ito?" pinakita pa niya ang ticket sa'kin. "...minsan lang to, minsan lang ang grasya kaya samantahin muna."

Wow ha.

"Tssh! So mag-leave tayo?"

"Exactly."

"Hmmn. Okay para makapag unwind naman ako." Buntong hiningang sabi ko. I guess I should go with the flow.

"Yan, yan dapat Lis, relax muna. Chill." ngumingisi pang sabi niya.

"Okay, tawagan na lang kita pag mamili na ako ng swim wares."

"Okay,dear!" Ngiti pang sabi niya.

"Sige, babalik na ako sa opisina ko." At tumayo na.

"Wag muna no ka ba? Chika muna tayo?" pagpigil niya.

"Okay, kung sabihin mong ikaw ang gagawa sa pinagagawa sa'kin ni Mr. Velazquez?" Sabi ko tapos smirk. Hmmn.Tingnan natin.

"Oh no, no freaking way! You can go Lis," agarang sabi niya.BLEH!

"My pleasure," ngumiti pang sabi ko at ni lock ang pintuan ng opisina niya.

"I'm on my way, my dearest Prince,HAHA", Yan ang sabi ng utak ko habang naglalakad patungo sa opisina kong nakangiti.

Mula nun, di na nawaksi ang ngitisa labi ko. Talagang dinalian ko ang mga paperworks ko para ma-pass ko kaagad at ma-approbahan ang leave ko. Yung paperworks na binigay ni Mr. Velazquez sa'kin unuver-timan ko kaya boom Miyerkules ko pa lang na pasa ko na. At tuwang-tuwa siya. On going na din yung deal namin ni Mrs. Perez. Ngayon ang inaatupag kulang ay ang mga lumang records ng company na gagawan ng mga summary. 1/4 na lang ang natira sa over 2 stress weeks na pagtatrabaho ko nito, sa wakas matatapos din to. At ito na ang last requirement ko before leave. Yess!

Sumimsip ako ng kape habang nagtatatype sa laptop ko.

"BULAGAAAA!" biglang sigaw ni Lalaine sa harapan ko. Muntik ko nang maisaboy sa kanya ang kape ko sa sobrang gulat.

"Ano bang problema mo, babae?!" galit na sigaw ko habang nagtatatype pa rin. Maasar ka!hmp!

"Anong babae? Hoy, Lis si Lalaine 'to! SI LALAINE 'TO?!" Sigaw niya. HAHA pikon.

"Paulit-ulit?" At tumingin ako sa kanya.

"Abay anak n---"

"Wag mo nga akong isturbuhin, tingnan mo ohh muntik natong magkaleche-leche dahil sa panggugulat mo." At pinakita ko sa kanya ang pagkaramble ng datas. "...ikaw kasi tapos ka na, ako hindi pa."mapait kong sabi.

"Sorry, Lis." At nagbaba siya ng tingin.

"Ano ka ba okay lang, basta wag munang uulitin."

"Okay," nahihiya pang sabi niya.

" By the way, approved na ba yung leave mo?" Tanong ko.

"Oo, kanina.  Buti nga lang at hindi ako binigyan ng maraming trabaho gaya nang sayo."

"Swerte mo," sagot ko habang nakaconcentrate sa pagtype.

" Siya nga pala Lis, excited na ako next week!!! Gosh, makakatapak rin ako ng Palawan!!!Yes!!! At makakarelax din ako...whooa!!! Excited 101 pang sabi niya.

" Anong makakatapak? Makakalangoy, makakapapicture, makakapunta at makaka-adventure 'no ka ba, kaprofessional mong tao, wrong grammar ka.Tsk" haha basag ko sa trip niya.

"Wag ka ngang literal!I mean first time kung makapunta sa Palawan okay? At FYI di ako wrong grammar no? Yang butche ang wrong at walang grammar!!!"

Nainis talaga. HAHA!

"Biro lang no ka ba. Ang serious mo." Sabi ko habang nakatunganga pa rin sa laptop ko.

"Kahit kailan panis ang biro mo Lis." At tumawa.

"Yung sa iyo malandi,"seryosong sabi ko.

"Anong malandi? Ako malandi?!"

"Di ah, ikaw nagsabi nyan."

"Eh ano ba?!"

Galit si Manang.

"Sabi ko yung sa iyo malandi, malandi ang biro ng mga ka-date mo." Seryosong sabi ko habang tinitipa ang laptop ko.

"Maiwan ka nga!" sabi niya at padabog na umalis.Boom HAHA K.O. Sabi ko naman sa inyo e, nasa mood ako ngayon. Nasa mood mang-asar.

Haysst salamat naman at wala ng istorbo.

"Okay, there! And...done!" at ni-press ko ang save.

At last nakapagstretch din ako. Tapos. Palawan is on the way.

Di ko pala namalayan gabi na pala.Lumaki ang mga mata ko nang tingnan ang oras. 8:30 na?!!! Goshh si Tatay!

Nagmamadali kong hinablot ng flash drive at kinu-close ko ang laptop ko. Nagmamadali akong isinilid ang mga gamit ko sa bag at ni lock ang opisina ko.

"Just wait there, Tay. Malapit na ako." sabi ko sa sarili.

---PrincsAllitara 💮

Once in a Lifetime {On Going}Where stories live. Discover now