Chapter 9-Tristans' First Move

Comincia dall'inizio
                                    

"Eh kung ganon sige po.." Adalyn.

Nagpasalamat siya sa mag-asawa, napakabait ng mga ito kahit ilang araw pa lamang silang magkakilala at nagkakasama sa therapy ay nagkagaanan na agad sila ng loob.

Pumasok na si Dr. Zachy sa session room at sinimulan ang therapy nila.

Hindi naman ganoon kahirap ang mga exercise na pinagawa sa kanila.

Only that time, naaalala lang ni Adalyn yung mga pagkakataong kasama niya sa therapy si Treyton. Kaya siya medyo distracted at wala sa focus.

Well, ayaw na niyang balikan ang mga ala-alang kasama niya si Treyton.

All she has to do now is to think of a solution kung papaano niya haharapin si Treyton at ang galit ni Trisha sa kanya at nang buong fan club nito.

Or is there any single chance to escape this chaos ahead of her?

Natapos ang therapy session nila Adalyn nang hindi manlang niya namamalayan.

Malakas parin nga ang ulan at nasa lobby na sila noon ng hospital kasama si Stella at ang asawa nito.

"See? maulan pa rin.. kaya sa amin ka na sumabay" Stella.

"Oo nga po" Adalyn.

"Lets go" ani ng asawa ni Stella.

Hahakbang na sana si Adalyn para sundan sina Stella na papunta sa parking lot nang may biglang tumawag sa pangalan niya.

Pag-lingon niya ay nakita niya si Tristan na tumatakbo sa ilalim ng malakas na ulan may dala-dala itong itim na payong.

"Who's that?" Stella.

"Kaibigan ko po" tugon Adalyn.

"Ohh, I guess hindi ka na makakasama sa amin.. anyway we have to go.. take care Adalyn see you next time" paalam sa kanya ni Stella.

"Sige po salamat po ulit" Adalyn.

"Its okay" ani ng asawa ni Stella.

Tumuloy na ang mga ito papuntang parking lot.

"Hi!" bati ni Adalyn kay Tristan.

Itiniklop nito saglit ang payong na dala nang makalapit na kay Adalyn sa loob ng lobby ng hospital.

Ganoon parin ang suot nito lamang nagsuot ito ng black hoddie basang-basa ang white jeans nito.

Ngumiti na lamang siya kay Tristan.

She was confused when she saw the expression in his face...alalang-alala ito.
Ngumiti ito sa kanya.

"Why? basang-basa ka Tristan look at your jeans haha" Adalyn.

Ini-strectch ni Tristan ang laylayan ng kanyang hoddie para takpan ang kanyang crotch.

"Sorry... hindi ko naman ini-expect na aabutan ako ng ulan sa labas. Dala ko ang kotse ni Papa I can drive you home" Tristan.

"Okay? then let's go.." tugon ni Adalyn while trying to pull off a smile.

After a few seconds ay bigla na lamang siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit ni Tristan

That was very comforting for her... heartwarming and soothing.

Hinaplos pa ni Tristan ang kanyang likod.

"Bakit? may nangyari bang masama Tris?" ang sabi niya habang yakap-yakap pa rin siya ni Tristan.

"Stop it Ad.. stop pretending that you're okay! I knew you are not okay.. and I'm here....I'm here to ease your pain Ad" Tristan said.

Blinded By Yellow LightsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora