Chapter 9-Tristans' First Move

29 5 0
                                    

Chapter 9

Tristans' First Move


Nakarating si Adalyn sa St. Lukes hospital na tila ba walang kaluluwa sa katawan kinailangan pa nga siyang kalabitin ng driver mula sa passenger seat dahil tulala siya.

Katunayan ay hindi na gaanong nagfufunction ang utak niya her thoughts was filled with guilt, embarassment, and pain.

Nang makababa siya sa taxi ay tumakbo siya papunta ng lobby ng hospital dahil malakas parin ang ulan at wala siyang dalang payong.

She feel numb and cold hindi niya alam kung dahil ba sa pagkakabasa niya sa ulan o dahil sa mga nangyari sa kanya kanina.

Marahil sa ilang araw na pagpunta niya sa hospital na ito para dumalo sa kanyang therapy ay kabisado na nang kanyang mga paa kung saang parte ng hospital pupunta.

She received a text message from her mom. It says hindi daw ito makakaabot dahil may dinaluhan itong seminar ng hapon na iyon. Huminga na lamang siya ng malalim, she has no choice, anyway she can ask for help sa mga staff na naroon kung sakaling mahirapan siyang gumalaw.

Pumunta siya sa appointment counter to confim her attendance after that ay binigyan siya ng nurse ng susuotin niyang hospital gown.

Isinuot na iyon at pagkatapos ay pumasok na sa loob session room.

Naroon na ang ilan sa mga pasyente na kasama niya.
Naroon na rin si Stella at ang asawa nito
Binati naman siya agad nito at nang asawa nito pagkapasok niya sa loob ng session room.

"Oh ikaw lang ba mag-isa?" Tanong ni Stella kay Adalyn.

"Opo ako lang ngayon.." Adalyn.

"Eh nasaan na 'yong artistahing lalake na kasama mo ?" tanong ng asawa ni Stella kay Adalyn.

Umiling lang siya bilang tugon sa tanong nito.

"Naku ayos lang 'yan iha.. pwede ka namang magpa-assist mamaya sa staff kung nahihirapan ka" Stella.

"Siguro nga po..." Adalyn.

"I'll go tell one of the staff para sa'yo okay? mas mabuti na 'yong may umaalalay sa'yo iha" tumayo ang asawa ni Stella at pinuntahan ang staff sa kabilang side ng session sa loob ng session room.

"Ang bait naman po ng husband ninyo ma'am" puri ni Adalyn dito.

"Hmm.. kaya nga ako na-fall ng husto diyan eh, He's my first ever boyfriend at noong nalaman ko na he's ready to marry me ay hindi na 'ko nagdalawang isip pa, I mean you can find a perfect guy to fall inlove with but you can't find a man who will love you and stay with you forever" ani ni Stella kay Adalyn na nakangiti

"Tama ho kayo, honestly maraming lalaki diyan sa tabi-tabi pero iilan lang talaga ang makikita mong worthy para pagtuunan ng pagmamahal" Adalyn.

"Hmm..oo, kaya ikaw, kung nakita mo na ang perfect man mo show him that you're worth of staying"ani ni Stella.

Adalyn nodded.

"Sana nga.." sa isip ni Adalyn.

"Oh siya... mamaya pagkatapos ng therapy namin pwede ka naming ihatid..okay lang ba sa'yo?" Stella.

"Ay naku nakakahiya naman po sa inyo, kaya ko naman pong umuwi na ako lang" Adalyn.

"Hmm.. we insist, delikado ngayon ang panahon Adalyn at tsaka medyo maulan sa labas may paparating daw na bagyo.. mahihirapan kang sumakay ng taxi or bus sa lagay mong 'yan" Stella.

Blinded By Yellow LightsWhere stories live. Discover now