22.08.2019 - 2

16 0 0
                                    


(22 AUGUST 2019) 2

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(22 AUGUST 2019) 2

Chat convo:

22 Aug 2019, 20:19

Ranz: bored lang eh... hmmm. kami ni arbab ang iinom

Me: (ako pa talaga yayabangin neto ay tumigil na sa pag-iinom si Rey.)

Kalokohan mo.

Di iinom iyon.

***

Why? Eto kasi iyong time na end contract na siya at naghahanap ng work. Hindi na din siya sa accommodation nakatira. So pag gusto namin siya makita, lalabas kami. Isang beses lang na nagpunta kami sa place niya since nakakahiya namang tumambay sa place. Partition kasi siya. Pag andito ka UAE, magkakaprivacy ka lang kung may sarili kang room, but it will cost you some. Reality ulit, kahit gaano kaganda ang naipundar mo sa pinas, malaking bahay o renovated, almost lahat sa OFW's partition lang at bedscpacer. Kasi mahal. Magastos.

Isa tong factor na iniisip ko hanggang ngayon, anong silbi ng magandang bahay sa pinas kung hindi naman ako ang nakatira. Here I am, sinuwerte na may free accommodation at own room but paano kung lumipat ako ng trabaho, I need to pay may rent, my dues, etc. Kahit naman nasa pinas ka, estudyante, nagdodorm, nagwowork sa manila at galing probinsya, nag-aapartment. We will always be far from home so it is just a matter of comfort, convenience, or rather survival. Makaraos lang. Makapagtiis. Anyway...

At dahil kalilipat lang niya, syempre, may hiya din naman kami. So nagdala lang ng manok at kumaen then layas na.

Continuation:

Ranz: Jan na lang ako iinom. Kadamot naman

Andoon si ate beth kina cha

(oh di ba... mga style ih. Never ian nag aya saken. As in never. Why kasi di niya ko malandi. Naalala ko kwentuhan namen ni Rey)

..........

Throwback kuno:

Kausap si rey sa starbucks kasi mahilig kami dumayo ng SB. Wala tambay lang, para makarinig ng pag uusapan namin. Pag sa accommodation kasi, kahit sarado ang pinto, makapal ang haligi, may tenga at bibig pa din ang balita, revised pa. at Wala na pala siya sa accommodation netong panahong to.

Me: Oh. Ano, may hang-over na naman. Sino na naman nakalandian niyo?

(Oh di ba, naglalandi na din si Rey. When and where did it all start? Another story.)

Rey: Ay grabe siya. Di pwedeng nagkatuwaan lang sa inom, laro. Landi talaga agad.

Me: Ganyan ka na rumason... so pag majowa, tapos umattend ng inuman niyo, may kiss sa kung saang part, hawak kung san-san, ok lang. Kasi game lang. kasiyahan lang. walang landi.

MBMWhere stories live. Discover now