Kabanata 26

493 43 46
                                    

Kabanata 26

Good weather woke me up. It's Friday and we don't have any practice today. I decided to go to our company and offer some help. Wala rin naman akong gagawin dito sa bahay kaya kaysa sa tutunganga, tutulong na lang.

I took a bath and after that, I did my usual makeup. It was light make up because I don't want to look intimidating to our employees and I want to socialize with them. I dressed up with my white sleeveless top, cover with a pink suit and slack. I paired it with my cream strap high heels.

Kalaunan, bumaba na ako at nakita si kuya na naghahanda na. Naisip naman na sasabay na sa kanya at para hindi na rin makaabala pa kay manong Ernesto.

"Kuya, sabay ako sa'yo. Tutulong ako sa kompanya para naman may pagkaabalahan ako."

"Kay manong Ernesto ka na magpahatid. Susunduin ko si Keila dahil nasiraan siya ng sasakyan kahapon," ani nito at seryosong nag aayos ng sarili.

"Hindi ba mas maganda 'yon? Sasab--"

Hindi niya na ako pinatapos at nauna na siyang lumabas ng bahay. Umirap ako sa kawalan pero dumiretso pa rin ako sa garahe para maabutan siya pero iniistart niya na ang makina nito.

"Walanghiya! Hindi ko naman guguluhin ang moment nilang dalawa. Sayang naman ang gas."

Hinayaan na lang iyon at nagpahatid ako kay manong na nakasimangot. Sayang, libre sana manuod ng romantic movie.

"Ma'am, sabi ko naman sa iyo, bawal ang nakasimangot kapag nakasakay dito. Dapat nakangiti lang," awtomatiko akong napangiti sa sinabi ni manong.

"Paano po kung malungkot talaga ako? Ngingiti pa rin po ako kahit hindi masaya ang araw ko?"

"Ano naman ang problema mo, ma'am? Ang aga pa po ma'am, may problema ka na agad? Pero pwede niyo pong ikwento sa akin. Makikinig po ako."

I smiled, wider than the last one. "Wala po akong problema. Paano lang po kung gano'n?"

Napabuntong hininga naman si Manong na nagpatawa sa akin ng mahina.

"Akala ko naman ma'am may problema kayo. Lagot ako nito kay Sir."

"Huwag kayong mag alala kay papa at kuya, manong Ernesto. Protective lang sila. Saka normal lang naman magkaproblema."

"Oo naman, ma'am. Pero minsan, mas magandang ingiti mo na lang ang mga problema. Alam mo ba na tayo naman talaga ang may hawak sa kasiyahan at kalungkutan natin? Hindi naman tayo malulungkot kung iisipin natin ang mga masasayang bagay. Hindi tayo malulungkot kung pipiliin o gagawin natin ang mga bagay na talagang nagpapasaya sa atin. Minsan kasi, tayo ang nagdedesisyon sa mga bagay bagay."

"Kokontra po ako sa'yo manong," tumawa ako ng mahina at tinignan siya sa rear mirror para ipakita na rin ang respeto.

"Sa buhay po kasi, maraming dumadating na mga problema... Totoong tayo po ang magdedesisyon sa kung paano natin ito susulusyunan. At sabihin man ng ibang tao na ngumiti ka lang, magpasaya ka lang hanggang sa hindi na sumagi sa isip mo ang mga problema, ay parang niloloko na lang natin ang sarili natin..." huminto ako saglit para panuorin ang reaksyon ni manong.

"Dahil ang totoo po, hayaan mo ang sarili mong magpakalunod sa kalungkutan pero huwag mong hahayaan na hanggang doon na lang. Hindi po natin masasabi na puro saya lang ang mararanasan natin. Dahil sa buhay talaga, kakambal na ng kasiyahan ang kalungkutan. Hindi po natin masasabi na tama ang desisyon natin, dahil minsan, kung ano iyong alam nating mali, iyon pala ang tama at makakapagbigay ng saya at kapanatagan sa atin."

Natahimik si manong at nakangiti lang akong sinulyapan sa salamin. Ibang iba talaga ang pag eencourage sa akin ni Manong na minsan nagkakaroon ng tama ito sa akin. Nakakatulong din dahil kahit pagod sa trabaho, siya ang nagpapasaya sa akin.

Sunsets and HeartbreakDonde viven las historias. Descúbrelo ahora