CHAPTER 17: THE PROPOSAL

Start from the beginning
                                    

Minsan talaga nasusurpresa na lang siya sa bigla-biglang pagsulpot nito!

Bago pa siya magpumiglas nadama na ng mga labi niya ang mga labi nito!

He cupped her face and kissed her hungrily! Pilit niyang inilalayo ang sarili sa matigas na dibdib nito pero hindi naging sapat iyon upang makawala siya sa mga bisig nito na lalo lang nitong hinigpitan!

Dahil sa ginawa niya kinagat nito ang labi niya kasabay niyon ay ang pagbuka ng kanyang bibig at dahilan para tuluyang makapasok ang dila nito sa loob.

Aries! hiyaw ng utak niya

Unti-unting pumikit ang mga niya at tuluyang bumigay!

She kissed him back! Kahit nasa ilalim sila ng tubig she could felt the warmth from his body! Naglakbay ang mga kamay nito sa kanyang katawan! And this time his hands were squeezing her breast again!

Don't! hiyaw ng utak niya pero ayaw sumunod ng katawan niya!

Halos kapusin siya ng hininga sa ginawa nitong paghalik sa mga labi niya.

Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang mga labi nito sa kanya at muling binuksan ang kanyang mga mata. Hindi niya mamalayang nakaahon na pala sila mula sa ilalim and Aries was holding her waist.

Hindi maabot ng mga paa niya ang tiles sa ilalim dahil hawak-hawak siya ni Aries at ang kanyang mga kamay ay nakahawak sa balikat ng lalaki. Dahil malaking tao si Aries at hanggang baba lang nito ang tubig.

He looked at her with a certain intimacy.

Nagkatitigan sila at walang namutawing salita sa pagitan nila. She could hear his fast breathing. Parang nararamdaman pa niya ang mainit na labi nito sa kanya.

Pagkatapos ng ilang segundo ng titigan inakay siya nito papunta sa gilid habang yakap-yakap siya nito. Walang kahirap-hirap siya nitong iniangat paupo sa gilid habang ang dalawang paa niya ay nakalubog sa tubig while Aries was still on the pool water.

Nakatitig siya sa kulay koprang mga mata nito at seryoso naman na nakatingin ito sa kanya.

"I can't hold my breath long enough to tell you everything that...I have learned to love you. I love everything about you. But everything I love about you...I love you more every day!" sabi nito sa malamlam na mga mata.

Was this true? Ano ang mga pinagsasabi nito!?

May kung anong kinuha ito malapit sa kanyang kinauupuan na hindi niya napansin ang bagay na iyon kanina.

Isang asul na kahita!

Binuksan nito iyon at tumambad ang isang napakagandang white gold pear shaped solitaire diamond engagement ring. Kumikislap-kislap pa iyon!

Will you be my wife and marry me?"

Her heart was pounding and she was so excited that her face and ears were burning. Totoo ba talaga ang mga sinasabi nito? O hindi kaya naman niloloko lang siya? But his face looked serious and he was smiling genuinely.

Nakatingala ito sa kanya at napaka-sincere ng ngiti nito na gustong-gusto niyang masilayan noon pa!

Ang lakas ng tibok ng puso niya sa mga sandaling iyon.

For the first time she smiled back at him. Hindi niya alam pero para siyang robot na may kung anong komo-control sa katawan niya!

"Lahat ng sinabi mo sa'kin parang panaginip. I really don't understand but..." she said smiling and nodded.

Tak!

Nagulat siya nang isara nito ang kahon ng singsing!

"You're like this too. Like in my dream. I must believe this is true to myself. Muntik na din akong maniwala sa sarili ko. How's my acting skill? Was it amazing?" unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya sa sinabi nito.

She couldn't even blink her eye. Nakatitig lang siya sa mga mata nito na ngayo'y nagbalik na ang dating Aries!

"We won't forget this won't we?" muling sabi nito.

"N-no, we won't forget it. It was like it is real." pagsang-ayon na lang niya. Pero nasaktan ng labis ang puso niya.

"Now, we will tell others that our story is real. Give me your hand." hindi siya natinag sa sinabi nito. Hindi pa rin mag sink-in sa utak niya ang mga sinabi nito na hindi pala totoo ang lahat!

Ito na ang nagkusa na kunin ang kamay niya at nilagay nito iyon sa kanyang palad ang kahita.

"Now, we are engaged according to the deal. Put that ring on your finger."

Deal? Did she make a deal with him? Kailan pa hindi ba't sapilitan lang siyang napapasunod nito sa mga gusto nito?

"You have the habit of wearing like that in front of others huh?" sabi nitong pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang baba.

Saka lang siya nakaramdam ng hiya dahil halos kaunting tela lang ang tumatabing sa kanyang katawan.

Wala sa sariling niyakap ang katawan na akala niya matatakpan ng katawan niya ang mga braso niya.

"You're disgusted by my sight. Alam ko na ang habol ng isang katulad mo. Huwag kang mag-alala nakaplano na ang lahat you just have to cooperate. Malalaman mo din kung ano ang kailangan ko sayo at matutuwa ka kung ano ang ibabalik ko sayo."

She probably felt his criticism and was helpless against it. Ano nga ba naman ang magagawa niya. Totoo naman ang sinabi nito. Maging siya ayaw na ayaw din magsuot ng ganun kahit pa sa harap nito. And the fact na may kailangan nga talaga ito sa kanya.

Nanatiling tikom ang bibig niya dahil hangga't maari pinipigilan niyang lumabas ang emosyon iyon.

"There's somebody else who deserves this proposal...and it wasn't you." he said and swam quickly, leaving her alone at the edge of the pool.

Unti-unting pumatak ang mga luha pababa sa kanyang pisngi. She was hurt and felt betrayed. Bakit ganun kasakit ang nararamdaman niya like as if he give her hope! Mabuti na lang at nakaalis na ito bago pa man makita nito ang luhang kumawala sa kanyang mga mata.

Binuksan niya ang kahita, kinuha ang singsing at isinuot. The ring was perfectly fit on her finger but she never fits on Aries life.

Kanina lang mainit pa ang pakiramdam niya pero kalaunan nilalamig na siya. Tumayo siya at naglakad pabalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)Where stories live. Discover now