Chapter 1

3 0 0
                                    

"But I guess if I love you, I should let you move on"

Inis 'kong tinigil ang panonood nang biglang mag-ring ang cellphone ko, nandoon pa naman na ko sa nakakaiyak na part.

"Oh?" inis kong sagot kay Amarie.

"Hoy babae, anong ginagawa mo?" natatawang tanong pa niya.

"Nanonood, anong kailangan mo?" tawag ko habang pinaglalaruan ang walis sa paa ko.

"Girl, may chika 'ko" excited na sabi niya.

"Ano gaga? sabi na e tss"

"Alam mo ba si Bianca, ano hahahahahahha...." natatawa pang pagkekwento niya.

"Pota bagal naman, dali na, nanonood yung tao e"

"Nabuntis siya ni ano hahahaha, ni Christian" napatigil ako  nang marinig ko ang pangalang yon.

"Huh? Pota, ex mo 'yon diba? Basta talaga Christian, pakboy e."

"Gaga, hindi naman lahat. Leche siya, sabi niya kaibigan lang daw sila. Friends with benefits ampota" halatang inis na sabi niya.

Natuloy ang usapan namin ni Amarie, naaawa 'ko sa kaniya kasi sobrang sineryoso niya yon kahit bata pa sila. Bobo yung lalaki na 'yon, ang ganda na ng kaibigan ko, matalino, mabait tapos pagpapalit lang sa mukhang tiktik binuntis pa ampota. Kaya ayokong mag boyfriend e, nakakatakot kapag niloko ka. Ayokong masaktan nang ganon, baka 'di ko kayanin.

Umabot ng isang oras ang pag-uusap namin bago niya naisipang patayin dahil may gagawin pa raw siya. Nanood na lang ako sa Youtube ng housetour ng mga artista sa bahay nila, nang may biglang mag-chat sa akin.

"Woii, g kayo later? Birthday ng pinsan ko, may inuman guiz." aya ng isa sa mga barkada ko, akala ko naman may nagchat talaga, gc lang pala. Pinag-iisipan ko kung pupunta ako nang mag chat sa'kin si Amarie.

"Hoy girl, g tayo mamaya huh? 'wag killjoy, pupunta lahat ng tropa." Dahil kasama naman pala lahat, nag-chat na rin ako na pupunta ako, pagpapaalam na lang problema.

Dahil kilala nila papa si Amarie, siya na'ng nagpaalam para sa'kin. Pumunta s'ya sa bahay para magpaalam habang ako nasa kwarto na parang walang alam. 

"Sige, basta umuwi kayo ng maaga bukas" rinig ko pang sabi ni papa kay Amarie.

"Opo tito, promise babantayan ko si Valerie" 

"Ayokong may mababalitaan ako na kung ano Amy"

"Opo, simpleng handaan lang naman po 'yon, walang alak tito" natawa ako sa kasinungalingan ni Amarie.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, naghahanap ng isusuot ko ngayon pati na rin yung para bukas. Nagsuot na lang ako ng black high-waist pants at white tube na pinatungan ko ng denim jacket. 

Nagpaalam kami na aalis na, sumakay lang kami sa tricycle. Nang makarating sa kanila, hindi namin naabutan pamilya n'ya lumuwas daw ng Nueva Ecija, hindi na siya sumama. Nag-ayos na rin siya at nagsuot ng  denim ripped shorts na tinernohan niya ng off-shoulder croptop. Nandoon na raw sina Deborah kaya bumiyahe na rin kami papunta sa kanila.

Bumaba kami sa tapat ng puting bahay, parang may kaya ang nakatira. Nagpasundo na rin kami kay Deborah.

"Gaga, nasan pinsan mo? Kahiya 'di naman namin siya kilala" natatawang tanong ni Amarie.

"Nandoon sa kubo, kasama mga tropa niya. Okay lang yan, gusto n'ya nga yon e"

"Marami bang tao? Baka mamaya nand'yan pamilya niya tsaka kamag-anak" nag-aalalang tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon