Chapter 1

3.2K 62 0
                                    

Tulala, inaantok at blangko ang utak. Tanghaling tapat pero ang itsura ko'y mukhang ililibing na. Napapahikab ako at hindi magawang kusutin ang mata.

Sumimsim ako sa kapeng nasa harapan ko at nagsimulang magtipa ng message sa kaibigan. Tirik ang araw pero kape ang nagiging tanghalian ko. Kanina pa ako nandito sa cafeteria kaya naiinip na sa kakahintay.

To:Chescugh

San kana? Inip na'ko rito.

Siya mismo ang naglagay ng pangalan niyang ganyan sa phone ko. Ewan ko ba. Kaya siguro parating nali-late sa nagiging usapan dahil sa marami itong nami-meet.

Iba't ibang course o kung hindi naman ay ibang school ang pinagdidiskitahan nito. Lagi rin kasi akong iniiwang mag-isa kapag may biglaang meet-up.

Napakurap ako ng ilang beses bago nagpasyang hintayin na lang ito rito. Kapag kasi nagti-text ako ay automatic na pupunta na 'yon dito. Nagiging reminder na nga yata ang text ko sa kanya sa nagiging agenda niya.

Kulang ang naging tulog ko kagabi dahil sa kakapuyat sa pagbabasa ng isang nobela. Hindi pa ako nakakamove-on sa tragic ending kaya bukod sa antok at puyat ay mukhang maga ang mata ko dahil sa kakaiyak. Hindi tuloy ako nakapasok sa pinagpapartime-an ko.

Okay lang, mababait naman kasama ko roon.

Dagdagan pa ng naging marathon ko sa Harry Potter. Tinapos ko iyong Philosopher's Stone at Chamber of Secrets. Na-miss ko kasing panoorin kaya iyon ang ginawa ko.

I'm a certified Potterhead. Hindi ako nagsasawang panoorin iyon.

"Woop!" agad akong nagulat kay Chesca. Muntik pang matapon ang kape sa harapan ko. Buti na lang nahawakan niya iyon kaagad.

As usual, she's smiling like there's no tomorrow.

Nilapag niya ang librong bitbit at humarap sa akin. Ang labing laging mapula, ngayon ay parang nabura na dahil sa naging halikan nila ng kameet-up niya. It's too obvious. May lipstick pa kasi sa gilid ng labi na kumalat.

Talagang minadali?

"Sino ang maswerteng lalaki?" pang-uusisa ko kahit na may ideya na akong taga ibang unibersidad iyon. Marami namang gwapo dito sa amin pero nagsasawa yata rito kaya sa iba nakikibingwit.

"You won't believe it, Ria! Nakakalaglag panty 'yong katawan at kagwapuhan niya!" she followed it with biting her lip. Para tuloy nang-aakit ang naging dating nito kaya hinampas ko.

Kahit ganito ang kaibigan ko ay nagpapasalamat pa rin ako dahil nag-e-excel naman ito sa klase. She's always on the rank list. Kaya siguro ang pakikipag meet-up ay ginawa na lang pampalipas oras.

It's her life anyway. Kahit minsang inaaya ako ay hindi ako sumasama hindi dahil sa ibinubugaw niya ako.

She's making me her thirdwheel. Kapag may napagplanuhang make out ay hindi niya ako sinasama.

"Naka score sa'yo?" I once again drank my coffee. Paimpit itong tumili at hinampas hampas pa ako. Muntik nang maibuga sa kanya ang kape.

"Almost! Pero dahil sa text mo ay hindi natuloy," tumawa ako. "But we'll meet again tomorrow. Nakakuha naman ako ng french kiss! Ang galing lumap-"

"Tigil na nga. Hindi na nagiging virgin ang tenga ko sa'yo," banat ko na ikinatawa niya.

She's the only friend that I have here in the campus. May mga kaklase naman akong nakakausap pero hindi iyong ganito ka-close.

Sa tagal ng pagsasama namin ay nasasanay na ako paminsan sa kabulgaran niya. Pero mas lamang ang mga salitang minsan ko lang marinig na ang meaning pala ay kakaiba.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now