Chapter 1: Embarrassed

187 10 0
                                    

Mhica


Hindi naman kami mayaman may kaya lang sa buhay. Nag-aaral ako sa Diamond University at scholar ako dun matalino ako. Ewan ko ba kung bakit diamond ang pangalan ng university.

Isang kaibigan lang ang meron ako sa university. Si Angel Cruz at matalino din siya katulad ko. Sobrang malapit kaming dalawa sa isa't-isa. Simula pa nung first year highschool kami siya lang din ang kaibigan ko simula ng lumipat kami ng bahay parehas din kami ng edad Grade 10 high school students kami ngayon at magkaklase din parang hindi na kami mapaghiwalay na dalawa.

Last year na lang namin sa taon na to.  Maya-maya susunduin niya ako dito sa bahay sabay kami papasok kaya kumain na ako baka makita pa niya ako na kumakain makikikain na naman yun.

Ang sama ko namang kaibigan pero hindi eh matakaw pa naman ang isang yun kaya binilisan ko na ang pagkain para pagkadating niya aalis na lang kami.

"Hello po, Tita. Good morning. Si Mhics po?"

Narinig ko na ang boses niya.

"Oh, hija ikaw pala. Good Morning din sandali lang at tatawagin ko siya." rinig kong sagot ni Mama

"Mhics, anak nandito na ang bestfriend mo!" tawag sakin ni mama nilingon ko siya nasa tapat siya ng mesa na kinainan ko

"Opo!"

Kinuha ko ang bag ko.

"Ang ganda talaga ng anak ko." sabi ni Mama

"Mama, naman binola pa ko." sagot ko ng nakangiti

"Totoo yun, anak." sagot ni mama

"Siyempre naman po mana lang ako sayo eh. Sige, po una na kami." sagot ko kay Mama at yumakap

"Ingat ka anak." nginitian ko lang si Mama at lumabas na nakita ko na si Gel

"Mauna na po kami, Tita." sabi ni Gel

"Sige, mag-iingat kayo" sagot naman ni Mama kumaway na ko sa kanya nagcommute kami sumakay sa jeep papunta sa University at ilang minuto lang nandito na kami sa tapat ng University at pumasok na sa loob.

"Alam mo Mhics, yung crush mong yun may sinaktan na naman." sabi sa akin ni Gel

"Ha? Kailan naman?" tanong ko

"Oo, nagsasabi ako ng totoo at kalat na nga dito sa buong University eh, kahapon lang at alam mo ba mukhang ikaw lang ang nagkakagusto sa kanya halos lahat ng babae dito takot sa kanya at biruin mo pati na rin ang mga lalaki."

"Bakit hindi ko man lang alam yun?
Mabuti nga yun eh. Wala akong ka agaw sa kanya ang gwapo niya kaya hehe" ngiti kong sabi

"Ewan ko talaga sayo gwapo nga badboy naman. Hindi ka ba natatakot sa kanya?" tanong niya

"Bakit naman ako matatakot sa kanya? Wala namang dahilan." sagot ko

"Talagang baliw kana."

"Oo, baliw sa kanya" ngiting sagot ko sa kanya

"Hayts, halika na nga." irita niyang sabi pumunta na kami sa classroom at umupo hinintay na namin si ma'am mga ilang minuto ay pumasok na siya.

"Good morning, class!"

"Good morning, Ma'am!"

"I have important announcement today, so please pay attention. Meron kayong bagong magiging kaklase. Come in." sabi ni Ma'am bigla namang pumasok ang isang lalaki na kilalang-kilala ko talaga.

Nagulat ako. Suwerte na ba ako ngayong araw? Kung ganun ang suwerte suwerte ko naman napangiti ako ng malaki. Kanina lang siya namin pinag-uusapan ni Gel pero ngayon kaklase ko na siya. I can't believe this.

Ang crush ko kaklase ko na ngayon hindi talaga ako makapaniwala. Bigla namang tumahimik ang mga kaklase ko ng pumasok siya pati ang mga lalaki kong kaklase na tahimik din mukhang natakot.

"Alam kong kilala niyo na siya. Mr. Smith pwede ka nang umupo."

Wala ng iba siya ay si
Kyle Blake Smith ang ultimate badboy sa University at siya ang nag-iisang gusto ko.

Humanap siya ng mauupuan niya at sa tabi ko na lang ang bakanteng upuan kapag sinuswerte ka nga naman. The best to'ng araw na to talaga. Thank you po sa itaas. Kaya dito siya umupo. Ang bango niya naaamoy ko. Siniko naman ako ni Gel at tumingin naman ako sa kanya bigla siyang bumulong sa akin.

"Siya nga yung crush mo at kaklase pa natin siya. Natatakot na talaga ako kung ano ang pwede niyang gawin sa atin." bulong niya

"Wag ka ngang matakot hindi naman niya tayo kakainin ng buhay." bulong ko din sa kanya kasi naman nasa left side ko lang si Kyle nagsimula ng magdiscuss si ma'am wala akong naintindihan sa lesson niya dahil nakatingin lang ako sa katabi ko na naka-earphones at bigla siyang tumingin sa akin. Nagulat ako baka kanina niya pa nararamdaman na nakatingin ako sa kanya?

Waahhhh!

Omg!

Kinuha niya ang isang pares ng earphones sa kanyang tenga. Ano ba ang gagawin ko? Magpapakilala na lang ako sa kanya. Yun nga tama!

"Ahm. Hi, I'm Mhica Javier." sabi ko sa kanya ng nakangiti ng matamis
bigla siyang nagulat sa sinabi ko nilagay niya ulit ang isang pares ng earphones sa kaliwang tenga niya.

"I'm not interested." cold niyang sabi at tumingin na siya sa harap niya kay Ma'am.

Hindi ako makapaniwala kinausap niya ko napakaganda ng boses niya kahit cold siyang magsalita. Husky voice. Bagay naman sa kanya.

Waahhh!

Pinipigilan ko lang ang kilig ko baka mahalata niya. Meron siyang mahabang pilikmata matangos na ilong messy hair meron siyang brown eyes na bagay sa kanya maganda ang pangangatawan at pinkish kissable lips. In short ang guwapo niya talaga walang kupas. Ang hot.

"Staring is rude, Miss." cold niyang sabi bigla akong nagulat ng magsalita siya pero sa harap pa rin siya nakatingin tumingin na din ako sa harap at nakinig. Nahuli pa ako nakakahiya talaga.



-----------

Unibiquety.

100 Days with My Badboy Crush (ON-GOING)Where stories live. Discover now