Introduction

25 1 0
                                        

WARNING: YOU MIGHT NOTICE LOT'S OF WRONG GRAMMAR AND TYPOGRAPHICAL ERROR. I'M SORRY FOR THAT. I'M JUST A HUMAN, BREATHING THE SAME AIR YOU BREATHE. ERR. YOU'VE BEEN WARNED.


POINTERS: PARA HINDI PO MAGULO

Flashbacks during her childhood
→containing ***, italic and not bold

Flashbacks of the events in present time
→containing ***, italic and bold

Meanwhile, fastforward, and back to reality
→---

---

"anak gising na. Ngayon ang dating ng papa mo mula sa manila" nanatili siyang nakapikit at nagkunwaring hindi naririnig ang boses nito

"Nakagayak na ang ate at mga kuya mo sa baba, anak gising na" sabi pa ng mama niya at minulat  na niya kaniyang mga mata at kinusot kusot ito 

Agad niyang nasilayan ang mukha ng mama niya na nakatingin sa kaniya at nakangiti. Maaliwalas ang mukha nito

"Mama madami bang pasalubong si papa? Bakit ngayon lang ulit siya uuwi? Magtatagal kaya dito si papa, mama?"

Sunod sunod na tanong ang tinanong niya sa kaniyang mama. Hindi ito umimik pero ngumiti ito ng mas malapad

"Anak, alam mo namang kailangang mag-trabaho ng papa mo at mamalagi sa maynila para sa pang araw araw na gastusin natin. Kaya anak, kahit sandali lang ang papa mo dito sa bahay natin ay dapat sulitin natin dahil minsan lamang siya umuwi dito"  pag-papaintinding paliwanag ng kaniyang mama at ngumiti sakaniya...

Past And Present: The Woman I Become (On-going)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora