Chapter 17

55 1 0
                                    

Enjoy!

~Athaia's POV

I know what I saw and I saw what I saw.

Zethary and Victoria were together. I've seen them. Holding each other's hand while walking fast towards the exit.

I'm still inside the car and can you believe it? I just saw them up close. Turning to the car next to ours.

Walang lingon-likod na sumakay silang dalawa at agad na humarurot ang kotse palayo.

Malakas ang kabog ng puso ko na para bang lalabas na sa aking dibdib. Sobrang sakit. Sobrang bigat at hindi ko ata kayang ipaliwanag ang galit na nararamdaman ko.

Then suddenly, what Victoria said earlier played in my head again.

'When you see me with Zethary, don't dare cut sights.'

Parang sirang plaka yun na nagpaulit-ulit sa isipan ko na kahit tinatawag na ako nina insan ay wala akong ibang naririnig. Nakatuon lang ako sa papalayong kotse.

At nang tuluyan na silang nawala ay dun lang ako napatingin sa unang direksyon.

My eyes heated up again but this time, I am braver to not cry.

Nanginginig ang kamay at tuhod ko pero nagawa ko paring lumipat sa driver's seat at paandarin ang kotse.

Without looking back, I drove and followed my husband's car. And where it leads me broke my heart. It's a five star hotel and they both entered a room.

Kitang-kita ko ang pagyapos sa kanya ni Victoria at wala man lang siyang ginawa! Ni hindi niya ako napansin na sinusundan sila!

And here I thought his words were true. I thought he really does love me even if we just met and we're just married in papers.

Because he told me! He said it's always been me!

Walang'ya siya! You shameless jerk, Freñier! I believed you! I believed you when I shouldn't!

My brothers are right, you deserve this sweet vengeance.

Napatakip ako ng bibig at pilit iniinda ang sakit. Alam ko kung bakit ganito, bakit nasasaktan ako na hindi naman nangyayari noon.

And I know what's happening inside that damn hotel room! Kanina lang binantaan ako ni Victoria. Hindi ko inakalang ngayon agad magagawa niyang akitin si Zethary.

O baka naman dati pa, Athaia? Hindi mo lang alam kasi naniwala ka sa kanya. At umasa ka.

Sa pangalawang pagkakataon sa araw na'to, may nalaglag na namang butil ng luha sa mata ko pero agad kong pinunasan.

I gripped my chest tightly and shut my eyes even tighter. I can feel my knees and fingers trembling but my eyes are wide open as I waited for the door to open again.

Nararamdaman ko na rin ang hapdi ng sarili kong palad dahil sa sugat na sarili kong gawa nang kumuyom ako.

Matalim ang mga mata ko at kung kutsilyo lang to ay baka pati ang pintuan ay naputol ko na.

Sobrang bilis ng taas-baba ng dibdib ko at naghahabol na rin ako ng hininga. Ilang minuto pa akong naghintay pero wala pa rin.

In the end, another set of hot tears left my eyes for a race. I admit, it hurts knowing what they're doing behind that door.

He fooled me good. I'm trying to control the hatred in my heart but as minutes passed, it just get bigger and bigger that I couldn't resist it anymore.

Teasing The Mafia Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon