Sabi Mo Eh!

13.6K 362 41
                                    

TITLE: Sabi Mo Eh

Ang daming nagtatanong sa akin kung sino ang gusto ko. I mean, sino ba talaga?

Well, sino nga ba? 

Si Denzell ba na gwapo pero mayabang, si Val ba na siga pero di ko alam kung may future ako, o si Geo na mayaman at mabait pero di ko alam kung ako lang ba talaga? Sino ba? 

Eenie meanie minee moo...

"Para namang ang laki ng problema mo," Sabi ni James habang naglalaro ng X-BOX. 

"Ang hirap kaya!" Sagot ko sa kanya habang kumakain ng Tomi. Nakaupo nga pala kami ngayon sa sofa ng living room nila. 

Magkaaway kami niyan dati eh. Sobrang lala ng pinag-awayan namin! Alam niyo kung ano at bakit kami nag-away? 

Dahil sa isang tubig. 

Hulaan niyo kung paano kami nag bati?

Syempre, dahil din sa tubig.

"Hindi mo naman kasi kailangan pumili kung wala kang gusto sa kanila,"

Parehas naman treatment ko sa mga nanliligaw sa akin eh pero syempre, kailangan ko din pumili. Hindi naman pwedeng maghintay sila forever, diba?

"Hay nako namaaan. Hindi ba pwedeng ikaw na lang?" I asked unconsciously. Napatigil naman siya sa paglalaro niya ng X-box at tumingin sa akin kaya napatingin din ako sa kanya...

Ano 'to? Staring contest? 

"Oh, ba't natulala ka diyan?" Tanong ko habang nakataas pa isang kilay ko. Di tuloy natuloy yung pagsubo ko ng Tomi.

"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?" Tanong ni James kaya tumawa ako at hinampas siya, "Ano ka ba! Hehehe, di ka naman mabiro. Joke lang yun. Bros tayo forever diba?" Pinipilit kong tumawa. Mukha ba akong kinakabahan? Bakit ko ba kasi sinabi yun ee.

"Akala ko naman..." Bulong niya pero di ko naman narinig.

"Ano sabi mo? Pakiulit?" 

"Ayoko. Ba't ko sasabihin?" Dumila pa siya at saka niya tinuloy paglalaro ng X-box niya. Bastusan eh, ganyan talaga. Sanay naman na ko diyan -,- 

"Pero di nga, tulungan mo naman ako. Help me choose," Sabi ko tapos binato niya yung controller ng X-box sa tabi niya. Nainis na ata. Hala ka, Jamie!

"Kailan ba kita hindi tinulungan? Ha?" Sabi niya kaya umatras dila ko...

"S-sabi mo eh," Yan na lang nasabi ko dahil nagkaroon na naman ng kung ano sa tiyan ko. Ano ba 'to, bulateng nagpaparty? Paru parong nagliliparan??? 

"Tara kain tayo, kumukulo na tiyan ko e."

"Takaw mo talaga babs!" Babs short for Baboy. WTF lang diba?! -__-

Hindi naman ako mataba no! Baboy lang tawag niya sa akin kasi ang baboy ko daw kumain. Sobrang OA daw eh parehas lang naman kami. Tsh! May time pa nga padamihan kami ng extra rice sa chicboy. Buti nga di kami tumataba eh. Varsity kasi yan ng swimming team kaya pamatay din ang *ehem* abs *ehem*.

"Sabay tayo bukas pumasok?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

"Ayoko nga," Bwisit talaga!

Kinabukasan sa school, habang nakaupo ako sa bleachers at nanonood ako ng practice ng swimming team, lumapit sa akin si Denzell, isa sa mga manliligaw ko at nagkwento ng nagkwento. Nakinig naman ako at nakikitawa na din kahit wala namang nakakatawa. 

Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya! Nalaman ko kung gaano kadami ari-arian nila dito sa Pilipinas at kung anu ano ang mga iyon. Nalaman ko ding senator ang kanyang tito at mayor naman ang kanyang ninong. Yung tita naman niya, may-ari ng isang mall. Madami pa eh kaso sa sobrang dami, kinalimutan este nakalimutan ko na yung iba. Hehe!

Short StoriesWhere stories live. Discover now