LX

228 14 0
                                    

***

That day,sobrang bigat ng pakiramdam ni Ash. Dumating na sila Tita Toni  at Mom Lou sa bahay at nakita ang umiiyak na si Ash...

Hindi sila makapaniwala sa lahat ng maikwento ni Ash sa kanila ang nangyari. Gusto nila kausapin at tanungin si Tan,pero nakiusap si Ash na huwag na lang muna. Hindi nya kaya harapin si Tan,mas masasaktan syang gawin yong desisyon nya kapag nagkita sila at nagkausap.

Yon ang naisip nyang,mas makakabuti para sa kanilang lahat. Alam nya masasaktan sila pareho,pero wala sya magagawa. Mahal nya si Tan at nasaktan sya sa nangyari,pero alam nyang kailangan nya na ito gawin.

Habang magkakausap sila dumating na din si Sheena,na napaupo na lang sa kama at naiyak na din sa nangyari. Di din sya makapaniwala na mangyayari yon. Nalulungkot din sya para sa pinsan. Inis na inis lalo ito kay Criza,at sumama ang loib kay Tan.


SHEENA : Sobra na talaga yang Criza na yan. Hindi talaga ako makapaniwala couz,habang hawak hawak pa yong sulat na pinadala ni Criza. Ganito sya ka desperada para lang makuha si Tan? Di ko alam if magagalit or maawa ako kay Tan. Pero nauunawaan ko desisyon mo couz. Nakakalungkot talaga. Yon na ba talaga desisyon mo,sabay pahid sa mga luha nito.


ASH : Couz,sobrang hindi ko na alam. Pero kung patuloy ako magstay,mas maalala ko lahat to. Mas okay na yon,baka sakali makalimot ako. Umiiyak na ding paliwanag ni Ash. Wag mo na lang sabhin kay Tan hangat andito pa ako.

SHEENA : So it means iiwan mo na din ako. Ang lungkot lang kasi,i cant imagine na magtatapos lng kayo ninTan ng ganito. Sobrang nakita ko kung gaano nyo kaMahal ang isat isa. And all of a sudden,mapupunta din sa ganito...Couz,bakit kaya di muna natin tanungin si Tan,hindi ako convince sa mga ginagawa ni Criza...

ASH : Couz,yon din naisip ko,but noong kinausap ko sya. Mukhang di naman sya nagsisinungaling. sobrang sakit talaga couz... Nasasaktan na ako sobra,kaya please sana maintindihan mo ako sa decision ko. Maybe one day,if mawala na yong sakit. Dalawin kita dito. Or you may visit me there.

SHEENA : Sigh,wala na talaga makakapigil sayo. Ingat ka don ha,magchat tayo parati. Mamimiss kita. Sabaybhug kay Ash.

That night naghanap ng rush flight si Ash,decided na sya na iiwan si Tan. Habang nagaayos sya ng gamit tumatawag pa si Tan.


Sinagot yon saglit ni Ash  at sinabing wala pa sya sa baha at sinabing wag muna sya pumunta. Pinilit pa syang tanungin ni Tan pero sabi nya wag muna sya nito kulitin may importante syang gagawin,wala na nagawa si Tan kung hindi magstay na kang muna sa bahay.

Si Tan kahit nalilito,sa mga kilos ni Ash. Hinayaan nya muna,at inisip na baka nga importante lang talaga,
sinabi nya na lang na bukas nya ito pupuntahan sa bahay. Hangang sa nakatulogan nya na walang text or tawag kay Ash.

****
Kinabukasan..maaga naligo si Tan,namiss nya na makausap at makita si Ash. Di nya kasi ito nakausap maghapon,kasi nga busy daw sya...kaya
Excited na syang bumangon at naligo agad para puntahan si Ash...

Nagtext pa sya kay Ash bago umalis.

Hi Love,

Good Morning,ang daya mo di ka man lang nagmessage na nakauwi ka na kahapon...
Namiss tuloy kita...
See you in a few minutes😘

Love and Miz u,,
TAN

After nya magayos,hinanda nya na ang motor nya. At nagdrive na papunta kina Ash. Sobrang excited pa syang nagdridrive,walang ka ide idea sa nangyayari.

At maya maya nga dumating na sya sa bahay nila Ash.

Andon si Sheena at Mom Lou. Nagtataka si Tan na parang ang seryoso ang mukha ng dalawa kahit na nakasmile na binati nya ang mga ito.

Pinaupo naman sya ni Mom Lou at si Sheena naman tahimik lang na nakatingin sa Tita Lou nya.

Nagtaka pa si Tan ng naupo sya,may kinuha na Black box si Mom LOu at inilapag ito sa harapan nya. At doon na nga nagsimulang kausapin sya ni MOm LOu. Nagtataka pa din sya na walang bumababang Ash

Maya maya naupo na din si Mom LOu sa malapit kay Tan,Kalmado pero seryoso ang mukha nito,ganon din si Sheena.

Mom LOU :  Tan,nakita ko kung gaano ka kabait na bata at alam kong mahal nyo isat isa ng anak ko. Kaya nagtiwala akong di mo paiiyakin ang anak ko.  Pagsisimula nito.

At naluluha na si Sheena napansin yon ni Tan. Kinakabahan na tuloy sya. Di nya maintindihan ang ngyayari,pero pakiramdam nya na may problema.

TAN :  Tita? May problema po ba? Asan po ba si Ash? Tanong ni Tan na knakabahan na di nya maexplain

MOM LOU : Iho, Mahal mo ba talaga anak ko? seryosong tanong nito

TAN : Tita ano po?,kailangan po ba itanong yan,syempre po,Sobrang Mahal na Mahal ko ang anak ninyo.
sagot naman ni Tan.

MOM LOU :  Hindi ko alam paano ngyari,i trusted you anak,pero nasaktan mo anak ko.

TAN : Sorry Tita,pero di ko po kayo maintindihan. Please po,asan po ba si Ash. Sheena? Bakit ka ba umiiyak? Please po Im begging you,asan po si Ash?

MOM LOU :  Before ko sabihin,can you please open that Box? sabay turo sa kahon na nasa harapan na ni Tan.

At iniOpen nya nga ang box,habang binabasa nya ang sulat mula kay Criza,
bumuhos na din ang mga luha ni Tan...

TAN : Tita please believe me hindi ko magagawa kay Ash ito. Walang namagitan sa amin ni Criza. Sheena please,kilala mo ako ang you know kung gaano kaSPECIAL sa akin si Ash... Please,Tita let me talk to Ash po,,
,pagmamakaawa ni Tan na umiiyak pa din.

MOM LOU : Im sorry Tan,but di ko na pinigilan ang anak ko.Naawa ako sa kanya,masyado sya nasaktan sa nagyari. Di ko alam ang buong kwento,pero sa nakita ko,di ko na sya pinigilan... Nakapagdecide na si Ash,,
,shes now on her way back to Australia. Pagkwekwento ni Mom LOu

Napatayo si Tan,nagulat sa nalaman nya. Umiiyak na nagpaalam sya agad agad sa Mom Lou ni Ash at kay Sheena...

Agad agad syang pumunta sa motor nya,at nagdrive sya...Nalilito syang hindi makapaniwala na mangyayari yon,alam nya sa sarili nya na May Mali,na alam nyang hindi yon yong maari. Pero,pano sya makakapagExplain kung wala si Ash,at nagdecide ng basta sya iwan...

Habang nagdrive ang dami tumatakbo sa isip nya,pero mas nasasaktan sya na umalis na si Ash ngbhindi man lnag sya pinagbigyan ng time para magusap...

***********END OF CHAPTER************

I LOVE YOU...Ms.BRAT GIRLl!Where stories live. Discover now