Chapter 6 - Not bad

602 11 1
                                    

 ELENA


"Uy! Ganda natin ngayon, Nana ah!", puri ni Aling Marcia paglabas ko ng apartment. Kalong nito si Andrea, ang dalawang taong gulang nitong apo. Sya pala yung parang landlady na din sa limang apartment dito. Pagmamay-ari kasi ito ng anak nya na ina ni Andrea. Di naman istrikata si Aling Marcia, mabait naman ito. Nana na din ang nakagawain nyang tawag sakin. Siguro nahawa sa apo nya na ganun din ang tawag sakin.

"Kayo talaga Aling Marcia! Porket ngayon nyo lang ata ako nakitang nakasuot ng maayos at disenteng damit, maganda na agad?", natatawang sabi ko dito. Suot ko kasi ngayon yung binili ni Mich sakin na floral dress. Yung halos 10,000 yung presyo! Hindi na kasi ako nakaangal nang binigay na nya agad yung card nya sa cashier. 

Tinernuhan ko naman 'to ng pink doll shoes courtesy of Mich again with matching purse na white and pink combination na binili ko pa talaga kahapon sa Divisoria binagay ko rin sa isang silver earring na bigay ng nanay ko noon at necklace.  Naglagay din ako ng light make-up, yung simple lang habang yung buhok ko ay nakalugay na inipitan ko lang sa may side ng simpleng hairpin na kumikinang yung maliit na heart-shaped na binili ko din sa divisoria kasabay nung binili kong purse. 

Ipinihit ko pa ulit yung doorknob ng apartment ko para masiguradong naka-lock na ba talaga bago ko mas nilapitan si Aling Marcia.

"May deyt ka ata ngayon, ineng?", tanong nito habang sumayaw sayaw ng bahagya dahil parang naiiyak na si Andrea sa mga bisig nito. Naubos na kasi yung kinakain o di kaya inaantok na.

Medyo natawa naman ako sa sinabi nito at pinisil yung pisngi ni Andrea nang makalapit. Ang cute cute kasi! Di ko mapigilan kurutin ang chubby cheeks nito. Nakakagigil.

"Hindi po. May birthday lang pong dadaluhan", sabi ko naman dito na tumango-tango lang ito. Naalala ko ang Nanay ko sa kanya. Namimiss ko tuloy yung Nanay ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Na...na", tawag ni Andrea sa'kin. Hinawakan ko naman ang kamay nito at bahagyang pinisil-pisil. Naku-cute-tan ako lalo nung nag-beautiful eyes pa ito.  Ang cute talaga!

"Oh hala! Baka ma-late ka pa sa date ay este birthday nga pala na dadaluhan mo!",  sabi ni Aling Marcia sakin. Napailing na lang ako habang nilaro-laro ko si Andrea.

"Kayo talaga, Aling Marcia! Sige po. Aalis na po ako", paalam ko dito. "Bye-bye na baby Andy", paalam ko naman kay Andrea na binigyan naman ako ng matamis na ngiti habang inaabot-abot yung pisngi ko. Mahinang kinurot ko muna yung pisngi nito at nginitian bago umalis.

May 45 minutes pa naman ako bago mag-umpisa yung party at tingin ko mga 20 minutes lang yung byahe galing dito samin papunta kila Mich. Sinadya ko lang talagang advance ng ilang minuto pupunta para di gaano nakakahiya kung mahuli ako. Hindi naman ako VIP para magpahuli! 8:00PM pa naman magsisimula at 7:15PM pa nung tignan ko yung wall clock ko sa apartment ko kanina.

Nang matanaw ko na ang mansyon nina Michelle ay pinahinto ko na sa driver ang sinakyang taxi sa tapat ng malaking nakabukas na gate ng mansyon.

"Salamat po, manong", nagsaludo lang ito matapos kung ibigay ang pambayad tsaka ko isinara ang pinto ng taxi nang may ngiti sa mga labi.

Papasok na ako nang napansin kong napakagara ng mga sasakyan na nakahalera sa labas ng mansyon. 

"Do you have the invitation, ma'am---", napatingin ako sa lalaking nakasuot ng black coat na tinernuhan nito ng puting inner shirt at black pants. Kasama nito'y tatlo ding tulad nito ang suot.

His Game (His Series #3)Where stories live. Discover now