"Miss ano ba? Bat ba kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo? Anong gagawin ko ngayon dito sa uniform ko? Why can't you just open your eyes so that you can avoid pestering someone else's day?"

Sunod-sunod na sambit sa akin ni kuyang nabuhusan ko ng kape.

"Excuse me, I know that I did something wrong and that's why I'm trying to apologize, but you can't just shout to someone for doing something that they didn't do intentionally. Give me your contact number and size of your uniform, I'll buy a new one for you" Sagot ko, siyempre hindi ako magpapatinag noh. Kala niya ha, di ako papatalo sama-sama ng ugali nito.

" I don't need you to buy me a new one. Alam mo miss I have a lot of things on my mind, kaya please next time just be cautious" sambit niya sabay ng kanyang paglagpas sa akin

Kasabay nun ang pagmamadali ko na ring maglakad. Hiyang hiya ako sa kalagayan ko ngayon pero mas importante sa'kin ang makapasok sa klase.

Nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko na kumain sa Al jograts. Pag sa UST ka nag-aaral ay dapat huwag mong palampasin ang pagkain sa jograts.

Andito si Marie, Thea, Sabelle at Annie. Lahat kaming magkakaibigan ay sa UST nag-aaral.

Si Thea ay nasa AMV, si Sabelle naman ay nasa Faculty of Pharmacy, habang si Annie naman ay nasa Faculty of arts and letters.

Nakilala namin ni Marie sina Thea , Sabelle at Annie noong senior highschool. My highschool years won't be complete without them. Magka-blockmates kami ni Sabelle noong highschool dahil parehas kaming health allied ang strand.

"Mga sis sama kayo? Inom tayo!" pag-aya ni Annie

"Inom nanaman? Saan ba?" tawa ni Sabelle

" Sa bad, ano g ba?"

"G!" sagot ni Sabelle kay Annie

"Oh ano , kayo?" tanong ni Annie

Sabay-sabay naman kaming napapayag.

Pagkagabihan ay nag-ayos na kami para pumunta sa bar.

Dumating na kami ng mga kaibigan ko sa bar at pagpasok naming ay dumiretso na kami sa isang table. Pagkarating sa table ay napalaki ang aking mata sa taong aking nakita.

Napanganga ako nang makita ko siya.

Si Clare, ang first love ni Isaiah.

" Uy Annie pre, kasama mo pala friends mo" halakhak ni France

Si France ay kaibigan ni Annie at blockmate ni Clare.

"AHAHAHA siyempre! Para bago manlang pag prelims ay makapag enjoy kami"

Pagkatapos mag-usap ni France at Annie ay umupo na kami sa table kung saan nakaupo si Clare habang nagsho-shot ng cuervo.

"Bestie sayo 'tong shot na 'to" abot sa akin ni Marie ng shot glass at smurnoff

"Thanks" sambit ko sabay ng aking pag shot ng alak at pagkatapos ay ininom ko ang smurnoff bilang chaser

Pagkalipas ng ilang shot ng Jose cuervo naramdaman ko na ang unti-unting pag-ikot ng aking ulo. I guess I'm already tipsy.

"Sis tara sayaw tayo" hila sa akin ni Thea sa dance floor

Pagkarating sa dance floor ay sumabay na rin sa beat ng tugtog ang aking katawan. Habang ako ay sumasayaw ay nahagip ng  mata ko si Clare na sumasayaw. Tinitigan ko siya, ang ganda nga naman niya.

Maganda, makinis, sexy at chinita.

Dumiretso ako sa washroom at naghilamos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napangiwi nang nakita ang aking imahe.

Sino nga ba ang magkakagusto sa tulad ko? I'm fat. Others are always telling me that I'm pretty and I look cute but let's be honest, when you're fat no matter how good-looking you are, you're still labeled as "Ugly" by the society.

Umiling-iling ako upang alisin ang kaisipang yun.

Ayah, please.

Tinitigan ko ulit ang sarili ko sa salamin at sinubukang i-focus ang aking atensyon sa mga magagandang physical attributes na mayroon ako. At sinimulang kausapin ang aking sarili habang nakatitig sa aking imahe.

"Ayah, kahit mataba ka ay makinis ka naman, magaganda ang singkit mong mata, matangkad, at maraming nagsasabi na cute naman daw ako" Ngumiti ako sa aking imahe

Binuksan ko ang aking bag at nag-apply ng blush on at lipstick. Inayos ko na rin ang aking kulay brown at kulot na buhok.

For the last time, I looked at my reflection and smiled.

Bumalik na ako sa aming table at nagulat ng makita si Clare na nakaupo habang hawak-hawak ang shot glass habang nakatitig sa aking mga mata.

Oh precious heaven,  nung nagpaulan pa ng ka-sexyhan at kagandahan ay nasa labas ang babaeng 'to at nagtatampisaw?

Umupo ako sa upuan na malapit sa kanya dahil ang ibang upuan ay puno na ng mga bag at gamit ng aming mga kasama.

"Kumusta ka na?" Nabigla ako sa tanong ni Clare

"Fine, i-ikaw" Pag-utal ko

She smirked and drank the liquid in the shot glass.

"Good" tipid niyang saad


Nakilala ko si Clare noong dalhin siya ng aking step-brother sa bahay namin. They were classmates in Lasalle Vermosa. Habang ako ay nag-aaral sa UST noong senior high school ako. Balita ko ay sa benilde na siya nag-aaral. 


"Kumusta na nga pala si Isaiah?"  Nagulat ako sa tanong niya.

"Uh okay lang naman"  sagot ko


Nakita ko si Marie at Sabelle na sumusuka na sa sahig, Si Thea na umiiyak habang hawak ang bote ng cuervo at si Annie na todo ang hataw sa dance floor.

"Umm Clare, kailangan ko nang iuwi ang mga kaibigan ko" ngiti ko sa kanya

"Can we talk some other time? Yea?" tanong niya na ikinabigla ko

"o-ofcourse" utal na sambit ko





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweets and FlawsWhere stories live. Discover now