Chapter 4 - Life of Zion

171 8 45
                                    

Patapos nako ng pagkain nang makita kong papalapit sakin sina Noah at Carla. Nakikita ko sa mukha ni Carla na parang sinasabi nya na tinangka nyang i-divert si Noah pero hindi sya nagtagumpay.

Masyadong maliit talaga ang mundo pag meron kang taong iniiwasan. Minsan talaga gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para magkita kayo ng taong ayaw mo nang magkaroon ng kahit ano pa mang uri ng kaugnayan. Yung tipong sana ay hindi mo na talaga sila makita sa buong buhay mo.

Ang exag ano? Pero ganun talaga ang naiisip ko kaninang nadinig kong nag-uusap sina Noah at Marcus tungkol sakin at sa ginawa nilang pagpupustahan sa pagiging bakla ko. Not that I don't feel sore about it anymore. Masama pa din ang loob ko pero naisip ko din na pwede din namang hindi lang yun ang intensiyon nya para kaibiganin ako. Baka nung una oo. Pero naisip ko din kasi na hindi din naman nya sinabi kay Marcuss yung tungkol samin na Carla gayong siya lang naman ang pwedeng maging motibo nya para maging interesado sa pagkalalaki ko. That is a sign of concern. Pero kahit naman may napag-usapan silang pustahan, hindi pa ba kami ganun ka-close ni Noah para sabihin nya sakin ang tungkol doon? Sabagay, sa isang banda, hindi din naman ako fully honest sa kanya. Hindi ako nagiging totoo sa kanya dahil hindi ko inaamin na may libog akong nararamdaman sa kanya. Saka may pinaggagalingan naman ang pagdududa nila. Totoo naman talagang bakla ako.

Hindi naman ganun katindi ang galit ko kay Noah. I mean, not to a point na ayaw ko na syang makita sa buong buhay ko. Kung tutuusin, masaya naman ako pag kasama ko sya. Masaya naman syang kasama. Mamimiss ko sya kung tuluyan ko na syang iiwasan. For now, I can just avoid having conversations with him kagaya ng dati. Hindi ko naman sya totally kailangan iwasan. That's too much of a hassle.

"Hey!" bati ni Noah.

Isang pilit na ngiti ang sinagot ko saka ko tinaas ang dalawang kilay ko to return his greeting. Umupo sila sa kabilang side ng table at parehong nakaharap sakin.

"What's up?" casual na tanong nya.

Ano 'to? Normalan lang? Chill na tayo ng ganun ganun lang?

Bago ako nakasagot ay nag-ring phone ni Carla na sinagot naman nya. Pagkababa nya sa phone ay tumayo kaagad sya sa upuan at nagpaalam.

"Hey, guys, dumating na kasi yung isa naming kagrupo. Kailangan namin i-rehears ng mabilisan yung parts nya. I gotta go, sorry!"

Tumingin sakin si Carla na nabasa ko sa mukha nya na humihingi sya ng sorry dahil kailangan nya kaming iwan ni Noah na kaming dalawa lang. Bad trip.

"So?" basag ni Noah.

"What?"

"What do you mean 'what'? How are you?"

"Nothing. I'm good. Patapos na'ko kumain actually. Baka bumalik ako sa room nyan to review."

"For what? Tagal pa ng exam." inaantok na sagot ni Noah sabay patong ng dalawang kamay mesa at inunan ang kanyang ulo.

"Bakit ba? Ayokong maghabol days before exam. Edi matulog ka muna dyan." tatayo na sana ako ng medyo tumaas ang boses ni Noah.

"Hey, what's going on? Do we have a problem?"

"I dunno! Do we?" napapa-accent nanaman ako.

"Why are you so aloof kanina pa?" naging malumanay ulit sya.

Natigil ako. Tinantya ko kung ready ba ako sa all out confrontation. I back-pedalled. Ayoko muna.

"Wala, it's just... ewan ko. Hangover maybe." palusot ko.

"Well, do your thing there. Dyan ka mag-study tapos matutulog ako dito like we sometimes do here. Nakakahiya kaya matulog mag-isa dito."

Wala nakong masagot. Lintik naman. So ano naman ang gagawin ko ngayon habang matutulog 'tong 'kanong hilaw na'to sa harap ko e wala naman talaga akong balak mag-review?

Campus RomanceWhere stories live. Discover now