Prologue

53 0 0
                                        

"MABUHAY ang bagong kasal!" Sa malakas na tinig ni tiyo Arman, ang ama ng bride na si Clarissa. Napangiti si Savannah sa turan ng tiyohin. Halatang hindi mapagsidlan ang kaligayahan nito para sa anak.

"Mabuhay!" Sigaw ng karamihan.

Nagsabog ang bulaklak sa ere. Tunog ng kampana na humahalo sa ngiti at sigaw ng mga pagbati para sa bagong kasal na—sina Ricky at  Clarissa.

"Wow! Ang ganda ngayon ni Clarissa. Halatang blooming na bulaklak sa gitna ng hardin." Magkalapat ang dalawang kamay ni Wilma na nakadikit sa pisngi.

Mahina itong binundol ni Ivon. "Hmm, ikaw ba naman ang madiligan araw-araw. Ewan ko sayo kung hindi ka mamukad-kad." May kislap ang mga mata nito at nanunudyo.

Nanlaki ang mga mata ni Wilma. "Talampas ka! Kita mo ng may dalaga dito. Hindi mo iniingatan ang lumalabas sa bibig mo." Sabay hampas sa braso ng huli.

Totoo sa sinabi ni Wilma ay tiyak ni Savannah nangangamatis na sa pagkapula ang mukha niya. Ramdam niya ang pag-iinit ng dalawang pisngi.

Tumingin ang dalawa sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa dalawa. Alam naman niya ang tungkol sa bagay na 'yon, sa edad ba namang trenta. Ngunit hindi niya maiwasang mailang sa tuwing gano'n ang usapan.

"Kita mo na." Minuwestra pa ng kamay ni Wilma si Savannah. Umani naman ng halakhak mula kay Ivon ng makumpirmang  namumula siya. "Palibhasa may asawa ka na. Maawa ka sa isipan ni Savannah. Huwag mong punoin ng kaberdehan." Sermon ni Wilma.

Hindi katulad niya, may nobyo ang kaibigan. Kasingtingkad din ng kulay ng mga rosas ang love life nito. Going strong, sa loob ng limang taon. Sapalagay niya nga ay malapit na itong ikasal sa darating na buwan. Ang nobyo kasi nitong si Wilma, na si Rad ay palaging nagtatanong sa mga pangarap ni Wilma. Kung ano raw gusto nito kapag may nag-propose rito. Kung anong paborito nitong lugar, bulaklak at kung ano-ano pa.

"Hay naku, Stella Savannah. Aba! masanay ka na, tiyaka hindi naman kahantaran ang sinabi ko.Hayaan mo at ng masanay itong si Savannah. " Humarap ito sa kanya. "Malapit ka ng lumampas sa kalendaryo, maghanap ka na rin ng makakasama mo sa buhay. Maganda na 'yong maranasan mong  magmahal at mahalin ng isang lalaki. Masaya, subokan mo. Hindi 'yong nagkukulong ka lang diyan sa bahay mo at ibinuburyo mo ang ganda mo sa apat sulok ng bahay niyo. Wala kang mapapala roon. Hindi magsasalita ang mga kasangkapan niyo sa bahay upang magsabi sayo ng mabubulaklak na salita. Hindi madi-develop ang mga 'yon para ligawan ka!"

Malakas ang tinig nito kaya naagaw na nila ang atensyon ng mga tao. Maging ang pinsang niyang si Clarissa ay tumigin sa kanya. Napapahiyang napayuko siya. Alam na naman niya 'yon. Kaso anong magagawa niya kung hindi naman siya pala labas ng bahay.

Her cousin mouthed "catch this". Itinaas pa nito ang bouquet. Nakita rin pala ito ng dalawa kaya sinulsulan siya. "Sige na, go!" Pag-chi- cheer sa kanya ni Ivon at Wilma.

"Hindi na ko makikisali para more chance na makuha mo 'yong bouquet."

"Don't worry gagawin namin lahat ni Wilma para ikaw ang makasalo. Nakita mo ba 'yon. " Tinuro nito  ang lalaking mestiso, matangkad na may magandang ngiti na nakapaskil sa labi. "Siya ang type mo hindi ba?" Binundol pa siya nito ng baghaya sa balakang at nunudyo.

Oo, ganito nga ang mga tipo niya. Matangkad, mestiso, magandang ngumiti at malinis tingnan, 'yong mukhang mabango.

"Huh?" Sakto naman itong tumingin sa gawi niya. Suminghap siya ng kumindat ito sa kanya. Mukhang palikero ito. Sinenyasan naman ito ni Ricky. Halatang binubuska.

"Hi-hindi naman ako gusto no'n. Halatang kinakantyawan lang siya." At nag-iwas ng tingin.

"Asus! Saan ba nagsisimula 'yan? Hindi ba't sa kantyawan kinalaunan ay nagiging totohanan. Kaya go lang ng go!" Bahagya pa siya nitong itinulak patungo sa grupo ng mga brides maid upang sumambot ng bouquet.

Malalim siyang napabuntong hininga. Susubokan na lamang niya para tigilan na siya ng mga ito.

"SAYANG!" Inis na magaang hinila ni Wilma ang buhok niya. "Ginawa na nga namin ang lahat hindi mo pa rin nasalo!" frustrated na sabi nito.

Napabuntong hininga na lang si Savannah. Tama naman kasi ang sinabi nito, ginawa ng dalawa ang lahat, pero hindi niya nasalo ang bouquet ng bride.

Hinarangan kasi ng dalawa ang lahat ng abay para siya lang ang makasalo. Pero sa kamalas-malasan nang sasaluhin na niya ang bouquet ay siya namang napatid siya ng maliit na bato, kaya ang inaasahang boquet na masasalo, mukhang palaka ang nahuli niya dahil dumiretso ang mukha niya pabulosong sa lupa. Naging tampulan tuloy siya tawanan ng oras na 'yon.

"Pasensya na. Hindi lang siguro para sakin ang bulaklak na 'yon. Maaring nakatadhana talaga 'yon para kay Laica." Manapay na napabuntong-hiniga siya.

Sumimangot si Ivon. "Ayan, pagganyan ka ng ganyan hindi ka na talaga makakapag-asawa." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. Namengwang ito at nakataas ang isang kilay sa kanya. Napaatras si Savannah. 

"Isa pa 'yan! Hanggang ngayon naniniwala ka pa rin sa destiny, na si destiny ang gagawa ng paraan para sayo. Aba, day! Huwag mong i-asa sa tadhana ang buhay pag-ibig mo. Kilos-kilos rin! Pag walang nangyayari, ikaw ng gumawa ng paraan. Kita mo si Kit ko, kung hindi ko pa 'yon ginapang, hindi pa matatauhan ang gago. Ako pala talaga ang mahal." Iniikutan pa siya nito ng mata.

Napangiwi siya. "Hoy! Grabe ka. Kaya pala naging kayo ni Kit." Sa namamanghang tinig ni Wilma. "Gawin ko rin kaya 'yon," pagsasakay nito sa biro ni Ivon. Dahil ang katotohanan hindi naman talaga ginapang ni Ivon si Kit. May nangyari sa dalwa na parehas na ginusto ng mag-kasintahan, na ngayon nga ay mag-asawa na.

Masyado lang exaggerated itong si Ivon. Nauunawan niya na labis lang na nag-aalala mga kaibigan sa kanya, sapagkat mag-isa na lang siya sa buhay. Nitong nakaraang buwan lang ay pumanaw na ang ama niya. Only daughter siya at  ang nanay niya ay matagal ng pumanaw.

Kaya nga ng ibitahan siya ni Clarissa sa kasal nito ay walang pasubali siyang dumalo. Nais niyang malibang. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng ama.

"Pagkatapos nito, san tayo gagala?" tanong ni Wilma.

"May plano ka palang gumala, dapat sinabi mo sakin? Alam mo naman na ang paalam ko lang sa—

Pinanlakihan naman ito ng mata ni Wilma. "Ay! Oo nga pala, naku! Makakalimutin na ko eh ang bata ko pa," sabay tawa ni Ivon. "Saglit nga at ite text ko lang asawa ko."

"Yan, mag-shopping tayo at disco!"

Sign of DestinyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon