Chapter 12

418 15 1
                                    

A/N: Thx to my 7 or 8 readers :D you know who you are lol. 

Wuv you guyth! Please enjoy this update :)

***********

Chapter 12 - Parallel Lines

Ilang beses akong hindi nakapag-concentrate sa trabaho dahil sa mga sinabi ni Sir Trein kagabi. He was really dead serious when he told me that he wants to date me. And marry me afterwards.

I just keep on asking myself, bakit ako?

Ano bang meron sa akin at ako ang napili niya?

I mean, I'm out of his league. Mine's as well.

Do I like him? Yes, I do. Hindi ko na ipagkakaila 'yun. He's been good as a boss and as a person. But I keep on refraining myself to feel beyond because I know we won't click. Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili ko pero nagiging realistic lang ako.

I think we might be better off as boss-subordinate or maybe friends outside of work.

Nag-unat ako ng mga braso pagkatapos ng shift ko ngayong araw. Plano naming magkita ni Nana ngayon, kanina pa ako nag-text sa kanya kung ready na siya pero hindi niya pa ako sinasagot. Busy yata siya sa trabaho niya bilang development director ng isang gaming company. It may be a bit unusual to think but she's kinda dominating the world that is loosely penetrated mostly by men.

Nagpaalam na sina Dane at Mommy Lorraine sa akin na mauuna na sila sa lift samantalang ako naman ay hinihintay pa ang text ni Nana. Ni-lock ko ang aking PC at iniligpit ang mga folders at mga papel na nagkalat sa table ko.

"Aren't you going home yet?"

Halos mapabalikwas ako sa pagkakaupo nang marinig ko ang boses ni Sir Trein sa harap ko.

"Hello, sir." bati ko sa kanya. "Uhm, no sir, may lakad ako."

He looked at me firmly. "You're going out with whom? With Archer?"

Ay si sir, ang judgemental? Pwede bang ibang tao muna?

Mabilis akong umiling, "Si Nana, sir."

"By the way, how is she?"

"Okay naman, sir. She's busy having the time of her life."

"Bakit hindi ka pa bumababa? Waiting for her message?"

Tumango ako, "Medyo busy pa yata siya, sir." napakamot ako ng aking ulo.

"Then can I accompany you for a while you're waiting for her?"

Hindi ko inasahan ang sinabi niya. I mean, teka? Sigurado ba siya? Hindi ba siya busy para lang samahan akong maghintay? Gosh, my heart is stiffening again and I feel my stomach emptied.

Napalabi ako. "Naku, wag na sir, ayos lang ako. At saka patapos naman na siguro si Nana." kahit hindi pa ako ready na bumaba, hinablot ko agad ang bag ko.

"That's alright, I have much nothing to do so I can go with you elsewhere. Perhaps a coffee?" ugh, he's so persistent. Ang cute niya pero ayoko naman siyang samantalahin.

I bit my lower lip. I have no time to think things over. Of course, gusto ko rin naman siya makasama kahit saglit. Hindi na ako magsisinungaling sa sarili ko dahil ayokong magkunwari pero gusto ko ring lumugar kung saan ako nababagay.

Ah, ewan ko ba!

He gave me a small smile, "Will you?"

Marupok ako, Sir Trein, wag po, please?

28thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon