Chapter 01

691 19 2
                                    

Chapter 01 // D-Day

Few hours earlier...

"Yuri, you need to look like a femme fatale and eccentric once you meet him. Yung tipong sa una pa lang ay matu-turn off agad siya sa'yo." sabi ni Nana sa akin habang busyng-busy siya sa paghahalukay ng mga dress sa pinasukan naming boutique. Ako naman ay nakasunod lang sa likod niya. Aba, malay ko ba sa mga latest trends ng fashion? Basta may masuot lang ako na sa tingin ko ay bagay sa akin ay agad kong binibili. At syempre yung pasok lang sa budget ko dahil ayokong mamulubi sa ending.

"Huh? Paano 'yun?" naguluhan ako kasi kahapon ay namili na kami ng susuutin ko pero bakit parang back to square one na naman kami? Yesterday, she bought me a pair of jumper jeans, loose white shirt and high-cut pink Chucks so I could look like a teeny-bopper girl na nasa entrance pa lang ng adolescent period. E bakit mukhang magshi-shift kami sa pagpapa-sexy ngayon?

"I have something in my mind. Yung tipong matu-turn off agad siya sa'yo once na makita ka niya kasi you're too much to handle. Like he won't stand to stay with you even just for an hour." ngumuso siya, "Aha, found it!" sabi ni Nana tapos hinugot ang isang skimpy black dress na mababa ang neckline.

Namilog ang mga mata ko sabay napalunok. "A-ano 'yan? 'Yan ang isusuot ko?" tinuro ko ang hawak niya.

"Yup. Sorry, change of plans! But this time alam kong magsa-succeed tayo. Just trust me." kininditan niya ako saka sapilitang ibinigay sa akin ang dress. "Go, isuot mo na 'yan." she mouthed the fitting room at my back.

Humigpit ang hawak ko sa damit. Shit naman, can I pull this off? Masyadong sexy naman yata! I mean ito lang ang unang beses na makakapagsuot ako ng ganito ka-daring na damit. Naglakad ako papasok sa fitting room pero bago ko pa isarado ang pinto, sinilip ko muna si Nana at tinawag siya. She grinned at me. "Oh anong problema natin?"

"Sure ka ba dito? Pwede bang 'yung teenager look na lang? Hehehe." tumawa ako ng pilit.

She rolled her eyes, "Girl, Shin Yuri, if you're going to wear what we bought yesterday, I'm sure he's going to like you - pretending to be me - or whatever. Kasi, guys are into girls this time. Mas gusto nila 'yung cute beings like they would like to keep them."

Nagkibit-balikat ako. "I thought mas gusto ng mga lalake ang mature na babae?"

Tinapik ni Nana ang balikat ko sabay iling, "No, Yuri, for some rich guys ayaw nila ng babaeng mas mataas ang ego at pride kesa sa kanila. So I know you're going to fit in once you wear this. Trust me this time."

Napakamot ako ng ulo. "Haay, sige na nga! Ito na isusuot ko na!"

Mabilis akong naghubad at sinuot ang skimpy dress na pinasuot niya sa akin. Akala ko hindi magkakasya sa akin kasi mukhang pang-ten years old yung size pero sakto lang pala ang fit. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, sa twenty-four years of existence ko sa Earth, ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito ka-sexyng damit. Imagine, my height's 5 foot 7 and the length of my dress is just a few inches below my butt. Hapit ang tela sa katawan ko - kaunting exhale ko lang dito e babakat ang tiyan ko o para akong two months pregnant o parang nakalunok ng isang buong melon. At dahil tube dress ang suot ko, halos lumuwa ang cleavage ko. Patay ang pwet ng baby! God, bakit ba ako pumayag dito?!

Nakailang inhale-exhale exercise pa ako bago buksan ang pinto ng fitting room. Kailangan magmukha akong confident sa suot ko pero paano ko naman gagawin 'yun kung di naman ako sanay magsuot ng ganito?

"Oh my gosh, Shin Yuri!" napatayo si Nana mula sa inuupuan niya. Napaawang ang bibig niya. What now? Do I look like a trash or whatever?

Napakamot ako sa likod ng ulo ko, "Anong itsura ko? Bagay ba sa akin?"

28thWhere stories live. Discover now