"Susmaryosep ka, mas natatakot pa ako para kay Sarathiel kaysa sa'yo e. Mas inosente pa 'yata sa'yo 'yon kung anu-ano iniisip mo." She rolled her eyes.

I laughed. I was kidding! I really wanted to watch the movie. Hindi naman ako nandoon para lumandi lang. I'm really anticipating the movie ever since the trailer was released.

"May humalik sa pisngi niya! Grabe! Talo pa ako!" kwento ko kay Clary. Napanganga naman siya.

"Ang daya! Gusto ko rin naman agawin si Sarathiel sa'yo pero hindi ako naka-isa sa kanya!"

Tumawa siya at nilagyan ng clip ang ilang hibla ng buhok ko.

"Hay naku, Czanne Ocampo ang pangalan. STEM representative ng SSG!"

I don't hate Czanne but I kind of envy her. Nagkaroon na siya ng kiss kay Sarathiel. Namula naman ako sa naisip ko. It's not like I want a kiss either...

"Stalk ko 'yan later!" nanggigigil na sabi ni Clary.

She applied nude make up on me. She also gave some finishing touches on my outfit. Binigyan niya ako ng isang kwintas na may tatlong heart na maliliit bilang pendant.

"Thank you, Clary." I sincerely thank her. She really made me feel pretty today.

Ngumiti siya sa'kin at niyakap ako. I embrace her in return.

"You're my cousin. My favorite one so this is nothing."

『••✎••』

I was playing with my bracelet which Sath gave me when I saw him walking towards me. Hindi kami sabay dahil sabi ko ayokong susunduin niya ako dahil nasa bahay ngayon si Kuya Carlos.

Sarathiel really looks like the popular boy from teen flicks who can sweep you off your feet except for the fact that he's really a dork on the inside. He was wearing his signature jacket with a t-shirt underneath and denim jeans.

Nakataas ang kilay niya saakin habang nakapamulsa siya.

Isn't he supposed to be amaze because I look pretty today?

"Problema mo?" I asked him.

"Saan po ang bakuna?" he pointed my off shoulder top.

My cheeks went crimson. Agad ko namang tinakpan ang gilid ng aking braso. He lightly chuckled and even covered his mouth to supressed it.

"Kakaasar ka, alam mo 'yun?" singhal ko sa kanya.

Bakit di kaya ako bigyan ng normal na reaksyon ng isang taong may gusto saakin? Lait na lait na ako kay Sarathiel e.

"Malamig sa loob," he looked at his watch."The movie's about to start too."

"So?" I raise an eyebrow.

Hinubad niya 'yung jacket niya at pinatong ito saakin. I was frozen in the spot because of his gesture. Ramdam ko ang bawat pagtibok ng puso ko sa bawat galaw niya.

Inayos niya ang jacket sa balikat ko.

My heart went wild as his fingers slide on my skin. Alam ko naman na hindi siya aware dahil ako lang ang nakakaramdam ng tensyon.

"Let's go," sabi niya habang hinawakan ang kamay ko. He interwined his fingers into mine.

Tulala lang ako habang hinihila ako ni Sath. This feels surreal. Hindi ko mapigilan ang ngumiti sa kilig dahil sa mga nararamdaman kong paru-paru sa aking tiyan.

We went inside the Director's Club. Nagulat ako dahil hindi lang pala sa regular cinema siya bumili ng ticket.

Mas kaunti ang upuan sa Director's Club. The chairs also have head and foot rests. Umupo na kami sa bandang dulo.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon