CHAPTER 1 (Panaginip)

27 2 0
                                    

Chapter 1: Panaginip

Jasmine's POV

NAGLALAKAD ako sa isang madilim na eskinita malapit sa condominium na tinutuluyan ko. Wala akong magawa dahil ito lang ang pinakamalapit na ruta na pwede kong daanan iniwan ko kasi ang sasakyan ko dahil sa isang malapit na convenient store lamang ako bumili.

Nakaramdam ako ng takot at kaba habang naglalakad nang marinig kong hindi ako nag-iisa.

Unti-unti kong binilisan ang paglalakad. Natataranta na ako habang hawak-hawak ang mga pinamili kong nasa supot.

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa pagod.

Nakaramdam ako ng ginhawa ng maramdamang wala ng tao sa paligid pero nabigla ako ng may magsalita sa likod ko.

"Miss saan ka pupunta ha?" Narinig kong parang boses ng lalaki.

Nanginginig na ang tuhod ko sa takot pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Gusto kong tawagin ang pangalan niya para iligtas ako pero alam kong hindi s'ya pupunta at sasagipin ako kung sakali'ng may masamang mangyari sa'kin.

Naramdaman kong gumalaw ang lalaki at lumapit sa'kin sabay tutok ng kutsilyo sa leeg ko.

"Miss ibigay mo na lang pera mo kung ayaw mong masaktan." Pagbabanta ng lalaki.

Wala sa sariling tumango ako at kinuha ang wallet ko na s'yang tanging dala ko. Binigay ko agad ito ng walang pag-aalinlangan, siguro dahil na 'rin sa takot ko.

Binaba niya naman ang kutsilyong hawak niya at kinuha sa kamay ko ang wallet.

Nakakita ako ng pagkakataong makatakas kaya bigla na lang akong tumakbo na hindi inaalala ang holdaper at ang wallet kong binigay sa kanya.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa condo tsaka nag-lock ako ng mga bintana at pintuan.

Takot na takot ako dahil first-time kong maka-experience na manakawan at tinutukan pa ng patalim.

Sa sobrang takot at pagkabigla ko, ang tanging nagawa ko ay ang mapahagulgol ng iyak sa kama ko.

Wala sa sariling kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang numero niya.

Sumagot ang sa kabilang linya.

"What do you want?"

"Uhhm. Chance si Jasmine 'to."

"I said what do you want?" Naiirita niyang ulit sa tanong.

"K-kung saksakin ba ako ngayon pupuntahan mo ako at ililigtas?" Mahina kong tanong.

"What nonsense are you spouting?! Kung may sasaksak man sa'yo ngayon at mamatay ka ako mismo ang maglilibing sa'yo sa hukay mo. Are you that DESPERATE just to hook up with me? You know that I'm your sister's boyfriend but you still stick around me and now calling me at this hour just to make up stories. You're hopeless." At bigla nawala ang nasa kabilang linya.

Hindi niya man lang ako pinagsalita. Kahit sobrang sakit ng mga salitang binitawan niya ay hindi ko magawang magalit sa kanya.

Paano ba'ng magalit sa taong mahal mo?

Bumagsak na naman ang mga namumuong luha sa mata ko at ang tangi kong nagawa ay ang umiyak para mabawasan ang nadaramang sakit at kalungkutan.

Unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Until You Remember Me (Until Series: Book 1)Where stories live. Discover now