CHAPTER 3 (Engagement)

15 2 0
                                    

Chapter 3: Engagement

Jasmine's POV

KAKATAPOS lang tumawag ng manager ko. Sabi niyang magiging sobrang busy na nang schedule ko next week.

Marami akong gagawing out of the country na projects at concerts. Tinanggap ko lahat ng trabaho dahil sayang naman, oh just cut the crap, gusto ko lang talagang makalimutan ang nangyari noong nakaraang araw.

I'm very hurt at the idea that I'm letting him go.

Sa 4 na taon naming pagsasama nang mga bata pa kami, sa 12 taon na paghahabol ko sa kanya para patunayan na ako ang childhood sweetheart niya, lahat ng iyon ay natapos lang noong nakaraang araw sa isang iglap.

Wala naman sigurong masamang magparaya o sumuko.

'Yun lang palagi ang pinapasok ko sa utak ko sa t'wing nasasaktan ako sa desisyong ako naman ang gumawa.

Kahit gustong-gusto kong kalimutan si Chance sa pamamagitan ng pagsusob ng sarili ko sa trabaho. Magkikita at magkikita pa 'rin kami.

Wala akong choice kundi um-attend sa party ng mga magulang ko kung saan siguradong nandoon si Chance.

Alam kong napakaliit ng mundong ginagalawan namin kaya sisiguraduhin kong 'eto na ang huli naming pagkikita at magpapakalayo na ako.

I will just accept projects from overseas para mas maliit ang chansa na mag-krus ang mga landas naming dalawa.

Papatapusin ko lang talaga ang isang 'to.

Clad in gold versace gown. Kita ang makinis kong likod at legs dahil sa taas ng slit, nae-emphasize 'din ang cleavage ko. Normal lang naman sa'kin ang magsuot ng mga ganito ka revealing na gowns. I'm a well-known international superstar for Pete's sake.

I paired it with my silver-strapped high heels. Nilugay ko lang ang blonde kong buhok. Naglagay ako ng kaunting make-up dahil litaw na ang ganda ko kahit di na ako maglagay pa.

Natural beauty indeed.

At hindi ko kinalimutang suotin ang pinakamahalagang bagay sa lahat. Ang kwintas na bigay ni Chance.

Dahil kahit 'di n'ya ako maalala suot ko pa 'rin ang isa sa mga patunay ng aming pagmamahalan.

Hinawakan ko ang pendant ng kwintas na singsing pa ng grandmother ni Chance. Buhay na buhay pa 'rin ang magagandang ukit ng gintong singsing.

Hinimas ko ito dahil nakakagaan sa pakiramdam.

If only this necklace could bring back everything.

A lone tear fell from my eyes. Sh*t. Tama na nga ang drama, masira pa make-up ko nito.

I drove my black jaguar. Marami pa akong luxury cars na nakaparada sa private parking lot ng condominium. At kung nagtataka kayo kung bakit may private parking lot ako dito ng mga sasakyan ko lang ang naka-park ay dahil I own this condominium building.

Actually I own a lot of them. Pero ang focus ng businesses ko talaga ay bars. Ginamit ko ang naiipon kong pera sa pagiging artista. Mahilig akong mag-bar hopping nung teenager pa ako dahil palagi kasi akong heartbroken at nag-iisa kaya alak ang palagi kong kasama. Hindi 'rin naman ako hinahanap ng mga magulang ko pag hindi ako nakauwi.

Ang totoo pumupunta ako doon dahil gusto kong pansamantalang kalimutan ang problema sa buhay sa pamamagitan ng paglunod ng sarili ko sa alak.

Now I'm a multi-billionaire pero kaunting tao lang ang nakakaalam 'nun dahil hindi ko naman ipinagkakalat ang halaga ng mga assets ko. Kahit nga siguro pamilya ko walang alam na may mga negosyo ako dahil wala naman silang pake sa'kin.

Until You Remember Me (Until Series: Book 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ