He smirked at me bago tumalikod.

     

"Weird," napalingon ako kay Athan na nagsalita sa may likuran ko. Nakatingin ito sa papalayong bulto ni Gray bago tumingin sa mga mata ko. Then, he left the room. Napakunot nalang ang noo ko sa ginawa nito kaya mas pinili ko nalang na ayain na sana si Dos na umuwi nang walang babala akong hinatak ni Queen palabas.

     

"Selena, Georgia, let's go," aya niya pa sa dalawang babae na agad namang sumunod sa amin. Hindi ko na nagawa pang lumingon kay Dos.

          

Nang makababa na sa parking space namin, we were all panting. Napahawak ako sa tagiliran ko bago tumingala at sinubukang ayusin ang paghinga.

          

"Gosh! why do we have to run, Ken?" reklamo ni Selena habang nagpupunas ng pawis.

    

The former only grinned at her.

        

"Tara na para marami-rami rin tayong malilibot."    

         

Magkakalahating oras din bago kami nakarating sa mall. Mabuti nalang at naka motor kaming apat kundi ay maiipit kami sa traffic.

              

"Early dinner or shopping muna?"

       

"Let's shop first."

           

Hindi ko na sinubukang magsalita pa dahil mukhang wala namang balak sina Georgia at Selena na kausapin ako.

           

Pumunta kami sa isang botique kung saan namili sila ng mga dress. Dahil wala naman akong nagustuhan sa mga nandito, I waited for them to choose for half an hour.

          

Next, we went to a jewelry shop. This time, mas naghanap ako nang bibilhin.

      

Nang makapili, nagbilin ako nang ipapa-engrave ko at hinintay na matapos.

        

"Dami naman niyan?" bungad ni Queen nang makita ang mga boxes na pinapabalot ko.

       

I just shrugged my shoulders nonchalantly.

        

"Tapos na kayo?" tanong ko nalang. She shook her head at nginuso sina Selena na abala sa pagtingin tingin sa mga relo.

     

"Hindi parin ako makapaniwala na silang dalawa na," she was smirking, "Last time I checked, Dillie was courting Georgia."

         

Napatigil ako dahil doon.

        

"Really."

         

"Yeah, kaya nga 'di ko inaasahang magiging sila e." She laughed at that.

            

Ilang minuto pa kaming naghintay bago natapos doon.

           

Secrets of the MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon