Chapter 59

2K 123 33
                                    

[Charl's PoV]

         

"Ken, shopping?" Aya ni Selena kay Queen nang mag-uwian na.

    

Nagliligpit na kami ng mga gamit dahil katatapos lang namin mag quiz sa last subject namin na science.

       

"Charl, tara na," aya ni Dos sa akin sabay kuha ng bag ko.

           

I don't know what happened to this guy pero pakiramdam ko unti-unti na siyang bumabalik sa dati.

      

"Malapit na pala mag Christmas, wala ba tayong Christmas party mama lot?" biglang lapit ni Kleoff.

       

Agad akong umiling dito. "Napag-usapan naming wala muna ngayong taon. Marami na rin naman kayong napuntahan at nasalihang events. Papaagahin nalang ang Christmas break natin," sabi ko rito habang inaalala ang mga naging pag-uusap namin nina Shin at Gray tungkol sa Christmas party.

          

Tumango naman ito. "Okay, kina Dan nalang tayo mag Christmas party."

     

Agad na natigilan ang mga itlog pati na ang nakikinig na si Dos.

        

"Kahit tayo-tayo lang, exchange gifts tapos bonding, gano'n."

      

Lumiwanag ang mukha ni Dan. "Gusto ko 'yan. Mama lot," sabay lingon nito sa akin at pinapungay ang mga mata. "Pumayag ka na."

     

"Kaya nga hindi mag papa-Christmas party para maagang magbabakasyon tapos mag C-Christmas party parin kayo?" singit ni Dos at matalim na tinignan ang mga batang kasama ko.

      

Napailing nalang ako dahil tinamaan nanaman ng saltik ang isang 'to.

       

May mga pilitan pang naganap kina Dos at sa mga itlog nang lapitan ako ni Queen.

           

She was playing with her eyebrows habang nakatingin sa akin, "Prince—" pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Charl, shop."

     

Natahimik ang lahat. May kalakasan kasi ang boses nito.

           

"Close kayo?" biglang tanong ni Mike na lumapit sa amin.

       

Ilang saglit pa kaming nagtitigan ni Queen bago nito binalingan si Mike, "Tangeks, kaya nga makikipag-bonding para maka-close."

       

"Hindi p'wede," Pagbabawal ni Dos. Nagsalubong ang kilay ni Queen dahil doon.

      

"Noong nakaraan ka pa umeepal, ha."

    

"Sabi raw?"

     

Kung kanina, 'yung mga itlog ang kasagutan ng isang pins-kapatid ko, ngayon si Queen na. Nagtama ang tingin namin ni Gray na kanina lang ay nakataas ang kilay habang pinapanood na nagtatalo ang dalawa.

Secrets of the MuseWhere stories live. Discover now