[7]

284 83 65
                                    

[𝟕] 𝐁𝐞𝐥𝐢𝐞𝐯𝐞

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[𝟕] 𝐁𝐞𝐥𝐢𝐞𝐯𝐞

"It's time to believe in you." - Pinterest

________________________
𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐒𝐮𝐚𝐫𝐞𝐳

The next morning, Felip taught me how to do basic backflipping. Ala syete palang ng umaga andito na kami sa field. Grabe, kami palang ang nandito. What I mean is, kami palang ang estudyante dito. Sino ba naman pupunta sa paaralan pag Sabado na ganto kaaga?

Kumpleto ang mga dancers sasabak para sa Last Dancer Standing. Habang nagwawarm-up kami ngayon, nakita ko si Mike dala ang degulong na speaker at dalawang extension wire palapit sa amin.

Nagkaroon sila ng energy nang turuan nila ako ng buong detailed na sayaw kagabi sa clubroom. Lalo na't nang malaman nila na alam ko pala ang sayaw. Natapos ang unang practice namin mga alas nuwebe. Sinusubukan ko gayahin ang style ng pag-sayaw ni Felip para hindi mahalata  sa actual performance na wala pala siya. 

Nalakagay sa rules ay kung sino ang mga nilista, 'yon lang dapat ang magpaparticipate. Depende nalang kung may nilagay kang substitute sa grupo ninyo o sa mga maglalarong team. Kung may kulang o sobra sa team, mababawasan ng isang puntos sa final score nila. Hindi mo ba alam na one point can actually turn the tables around? 

Dahil masyadong overconfident ang mga lalake ng PAS, wala silang nilagay sa substitue. As in blanko.  

Nang malaman ito Cora kagabi, agad silang pumunta sa clubroom kahit hindi pa tapos ang practice nila sa pepsquad. Halos mapamura siya sa kabobohan nila Mike. 

"Mga anak ng tupa! Ayaw ko magsabi ng mga masasamang. . .  words." Pinipigilan ni Cora ang kanyang sarili na hindi magalit sa mga lalake. May iba pa kasi silang pinagkakaabalahan at ayaw nila ito idagdag pa sa kanilang problema. 

"If something happened to Ash, sasabihin ko sa panelist ang totoo," pagbanta ni Alana sakanila. Napasandal ito sa pintuan habang ang kamay nito ang nakacross sa harap ng kanyang dibdib, bumalik ang tingin nito kay Cora na nasa harapan. Sa sahig nakaupo sila Mike habang ako naman ay nasa tabi ni Alana. 

"It's fine, Alana. I can handle this," sabi ko sabay tapik sa kanyang balikat. 

"The fuck I care kung sasayaw ka, Ash. But, backflipping? Hindi ba nila kaya? Jusko, Mary Joseph! Kumukulo ang dugo ko! Kalalakeng tao, tinalo pa ng babae. Pati sa inuman, mga mahina rin! Pwe!" Nag-walk-out si Alana. At buti nalang nag-walk out ito, dahil kundi nasabunutan na niya mga ito.

Parang nadaanan ng bagyo ang expression ng mga lalake. So, totoo nga na mahina sila sa inuman? 

"Kayo na, boys, magaasikaso niyan. We still have some business to finish. Kung magkaproblema man kayo, you can approach me. Pero hindi ko kayo matutulungan sa sayaw, sa pag pahospital kay Astrid at hindi ako mag-eexplain kay Prof. Steins kung sabay niyang hinanap si Astrid at Felipe," mahimbing na sabi ni Cora. Pagkaalam ko nagkaproblema ang flyer nila sa Pep Squad, kaya hindi nila alam kung sino ang puwede ipalit. 

Ken Suson | Found YouWhere stories live. Discover now