Pinagtagpo Pero di'Itinadhana

4 0 0
                                    


Bakit subrang mapagbiro ng tadhana? Pinagtagpo nga kayo hindi naman kayo itinadhana. Bakit kailangan pang magpa-alaman? Bakit hindi nalang ituloy ang nasimulan? Oo, marahil kasalanan ko, humingi na ako ng patawad pero bakit kailangan putulin mo lahat ng ating koneksyon? At higit sa lahat bakit masakit? Bakit kailangan masaktan sa simpleng paalam? Kung selos man itong aking nadarama patawad pero di ko mapigilan. Selfish ba ako kung gusto ko ako ang maging special someone mo?

May 2, nag register ako sa isang dating site, ikaw ang unang nag e-mail, kinilig ako, nag smile ka pa sa akin. Nakita ko pictures mo na attract ako agad sayo. Hindi ko alam pero naging kampante agad ang loob ko sayo. Sa simpleng hi, hello, kumusta ka? Kumusta diyan, kumusta dito? Hanggang mapag-usapan ang mga interes natin sa isa't-isa, unti-unti nakilala kita. Nalaman ko isa kang manunulat, mas lalo akong nagka-interes sa iyo. Oo nga't mataas ang agwat natin sa edad, hindi ko na iyon inintindi, sa isip ko hindi naman ako sumali dun para maghanap ng pag-ibig, sumali lamang ako dun para malibang, may ibang maka-usap. Hanggang nung kinuha mo Facebook account ko, kinilig ako dun feel ko subra kang interesado sa akin at hindi ko alam, bakit kumakabog ang dibdib ko nung mga oras na yon. Binigay ko sayo, nag message ka, hanggang nagging araw-araw na ang usapan natin, minsan nga video chat pa. Noong una na inis ako sayo, lage nalang kasi ako na una mag message sayo, ako lagging nag iisip ng mapag-usapan, daming mga tanong tanong para lang mag reply ka, kahit nonsense na napag-usapan natin. Hindi kita sinukuan, hanggang ang simpleng chatan naging araw-araw na, hindi na kompleto araw ko pag hindi kita na kachat.

Nalaman na natin kwento ng mga buhay natin, naging magka-ibigan, napagkasunduan magkita pag okay ng lahat-lahat at pwede ng mag biyahe dito. Excited ang naramdaman ko noon, magkikita tayo ng personal, mahahawakan kita makaka-usap ng harapan hindi na sa messenger o site na yon. Kung ano-anong biru-biruan nalang ginawa natin, mga seryosong usapan at katanungan na totoo naman nating sinagot ng seryoso.

Hanggang nag message ka tungkol sa special someone mo. Ang weirdo ng aking naramdaman di ko alam, di ko maintindihan, di ko alam kung nag seselos ba ko o nasaktan. Bakit ganun? Bakit iba yung naramdaman ko? Bakit parang may kutsilyong tumusok sa dibdib ko ng paulit-ulit? Open tayo sa isa't-isa, sinabi ko sa iyo ang tungkol dun. Hindi ko sinadyang sabihan ka ng PLAYER, pero bakit bigla nagalit ka? Hindi ko alam insulto nayun para sayo, patawad, hindi ko sinasadya.

Pero bakit ganun? Bakit ang bilis mong putulin ang lahat sa atin? Inan-friend mo ako bigla, blinock sa lahat lahat. Pinutol mo ng ugnayan natin. Pinilit kong ayusin ang isyu, pero hindi ka na nag reply o binasa man lang mga message ko sayo. Bakit hindi mo ako kayang pagbigyan ng isa pang pagkakataon? Bakit umayaw ka agad? Akala ko ba gusto mo rin ako? Kung nainsulto man kita patawad, hindi ko yun sinasadya, nagselos nga lang siguro ako, nakakahiya mang aminin, dahil wala ako sa lugar para magselos wala akong karapatan. Hiyang-hiya ako sa nagawa ko at sising-sisi, ngayun wala ka na. At na miss na kita ng subra.

Nakakahiya mang aminin, pero oo, subra pa sa gusto ang nararamdaman ko para sa iyo. Hindi ko alam kung bakit, alam ko espesyal ka sa akin, kaya ikaw lang nereplayan ko sa lahat ng mga nag e-mail sa akin, wala akong ibang kinausap dun kundi ikaw lang. Hindi koi to naramdaman kay ex, sayo lang. Noong makipaghiwalay siya sa akin nagging okay kaagad ako, hindi ako masyadong nasaktan o nanghinayang. Pero sayo bakit ang daming what if's? Bakit nagsisi ako doon? Nagsisi ako nag selos-selos pa ako. Nagsisi ako dahil nawala ka ng tuluyan sa akin. Patawad, nakakatawa mang isipin, pero oo nahulog ako sayo. Madali ba akong nahulog? Yung iba hindi maka-intindi sasabihin ang landi ko dahil nahulog ako agad sa chat lang, para sa akin pag araw-araw mong naka-usap ang tao at nakilala mo siya hindi ito imposible, lalo na kung ang mga katangiang hinahanap mo sa isang lalaki simula high school ay nasa kanya. Yung tipong nakaka proud siyang ipakilala sa lahat ng tao sa paligid mo, yung tipong finally ito na nakita ko na ang pangarap kong tao.

Hindi ka imposibleng mahalin ng totoo. Madali ka lang mahalin, mabait ka, gwapo, responsable, nakakatawa, sweet, romantiko, malapit sa diyos, nakakabilib ka pa. Hindi mo kailangang maging maskulado/macho, subrang gwapo, mayaman, bata o matangkad. Dahil na bihag mo ako kung sino ka, hindi kung ano ka. Yung mga sinabi ko sayo noun, totoo lahat yun walang halong kasinungalingan. Sayo lang ako naging totoo, sayo lang ako nag effort may subrang pa extra pa.

Na isip ko nga ang swerte ko pag ako minahal mo ako, jackpot ako sa lotto sayo. Handa na akong iwan ang lahat para sayo, handa akong harapin lahat ng mga sasabihin ng mga tao kung bakit ikaw pinili ko. Wala akong paki, kasi alam ko sasaya ako sayo, sayo lang ako sasaya. Ang kilig to the bones feeling nay an, aaminin ko sayo ko lang naramdaman yun, yung tumigil ang mundo ko kung makikita kita kahit sa video lang oo nangyari sa akin yun, Nakakatawa nga eh! Kaibigan ko tinawanan ko nung kwenento nya yung tumigil yung mundo niya nung makita crush niya. Pinangarap ko yun mangyari sa akin, it happens when I met you, pero wala eh, sumuko ka agad, kay bilis pa ng alas kwatro.

Akala ko ito na, nahanap ko na twin flame ko, finally dumating na si Mr.right, soulmate, destiny ko,pero bakit ganun? Ang bilis mong dumating sa buhay ko, ang bilis mo ding nawala. Para kang bula biglang naglaho.

Habang buhay kang espesyal sa akin, ikaw ang mag mamay-ari ng malaking bahagi ng puso ko, hindi kita makakalimutan, kasi sa sandaling naka usap kita't nakilala, naging totoo akong masaya. Pero kahit anong gawin ko hindi mo ako nakita as someone na pwedeng magmahal ng tapat sayo, someone na magiging kontento at sasaya sayo habang buhay. Ako oo, yun ang nakikita ko sa tuwing tinitingnan kita, kasama kita sa saya't lungkot, habambuhay.

Hinding-hindi kita makakalimutan, itatago nalang kita sa puso ko. Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko at pinaka masakit din, dahil hinding-hindi ka naging akin, walang tayo, at yun yung pinakamasakit sa lahat. Pero salamat na rin, dahil minsan sa buhay ko ang dream guy ko since high school ay nakilala ko sa katauhan mo. Buong akala ko imposible siyang mangyari, akala ko ang taong yun ay pangarap lang hindi nag e-exist sa mundo, at imposible kong makikita o makilala man lang. Salamat dahil sayo naranasan ko ang mga moments na pang pelikula lamang, yung tipong huminto ang ikot ng mundo ko sa unang pagtagpo ng mga mata natin (in your eyes I see myself with you)it happens to me and thank you. Natuto akong mangarap ng maganda at positibo ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, pinagtagpo lamang tayo, pero hindi itinadhana.

Hanggang dito nalang ako, di na kita kukulitin pa, susubukan kong kalimutan ka kahit na alam kong imposible. Matagal kitang hinintay, ngunit hindi ka para sa akin. Hindi ako ang iyong kailangan, at ererespito ko yun. Alam ko hindi na ako makakahanap pa ng isang ikaw, mamimiss kita subra ngunit wala akong magagawa na, umayaw kana, di ko naman pedeng ipagpilitan sarili ko sayo.

Di ko alam kung bakit ang sakit. Sadyang ganoon nga siguro ang buhay di mo makukuha ang mga gusto mo. Paalam, alam kong hindi na tayo muling mag-uusap. Kahit dito man lang masabi ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. Alam kong wala na ring muli balang araw.

Hindi ko alam kung anong leksyon ang hatid mo sa buhay ko, yun bang wag mahulog agad-agad kahit pangarap kita, maging mature, wag magselos basta basta, magtiwala? Di man ako nakapasok sa puso mo, sana kahit minsan ako ay maalala mo. Kahit saglit sumagi sana ako sa isip mo.

Sana mabasa mo ito, alam ko di mo maintindihan, sana may mag translate nito sayo, at kung sakali man pagpalain at umabot ito sayo sana kung mabasa mo ito sana malaman mong ikaw ito.

This is an open letter, please send my love to him. No judgement, it's a real feelings, you won't understand me, but please respect me. Sana umabot to sayo. SALAMAT

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pinagtagpo Pero di'ItinadhanaWhere stories live. Discover now