"Pwede bang dumaan muna tayo sa company ni daddy? kukunin ko lang yung bag ko."

"Ha? edi makikita ka no'n?"

"Duh, sa tingin mo magpapakita ako sa kan'ya? pinadala ko sa secretary n'ya at sabi ko sa kanto na lang kami magkita,siya na lang daw ang bahalang magpalusot kay dad" Napa irap na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Buti napapasunod mo yung secretary niya" Purong sarkastiko niyang tanong.

"Aba dapat lang talaga s'yang sumunod kung ayaw nyang mawalan ng trabaho" Nakangising sabi ko.

"Tss, bossy"

Pagkakuha ko ng gamit ko ay sabay kaming pumasok sa school,hindi ko lang siya pinapansin dahil baka kung ano pang sabihin nga mga schoolmates namin.

"Hahatid pa ba kita sa room mo?" Tanong niya di kalayuan sa likod ko.Dahil nauuna akong maglakad.

"No need, may sarili akong paa" Mataray na sabi ko sa kanya.

Magkatapat lang kami ng building kaya madali para samin na magkita tuwing uwian at kung may kailangan man. I don't know if that's a good thing,bahala na.

Pagkapasok ko sa room ay bumungad agad sakin ang mga kaibigan kong nag-aalala ang mga itsura.

"I heard a lot about you"

"Hey, what's happen?"

"Are you okay?"

"San ka tumutuloy ngayon?"

"Pwede bang pahupuin niyo muna ako?" Stress na tanong ko sa kanila.

Sabay-sabay naman silang tumango. Pagkahupo ko ay lumapit agad sila sakin.Ayaw kong magbigay ng madaming info at baka ma-trace ako ni dad dahil sa kadal-dalan nila.

"May tinutuluyan akong condo,isa sa binigay sa'kin ni dad, and please, wag niyo sabihing nasa school ako ngayon" I lied about sa condo.

"Yes, hindi namin sasabihin pero alam mo naman ata kung ga'no ka powerful ang daddy mo diba?" - Amelia, isa sa mga kaibigan ko

"Yeah i know, pero ayoko lang na manggaling sa inyo." Sabi ko sabay buntong-hininga.

"So,what's your plan? Hanggang kelan ka magtatago? hanggang kelan mo tatakasan ang problema niyo?" - Zoey

"Hayy, i don't know,gusto ko lang muna mapag-isa"

Indeed. Ayon naman talaga ang balak ko in the first place.Pero napunta ako sa maling lugar at mayroon akong kasama ngayon na sobrang sakit sa ulo.

I never imagine waking up early in the evening because of loud snor. He's pain in my ass for real.

"Gusto mo bang samahan ka namen  sa condo mo? baka nalulungkot ka d'on dahil mag-isa ka?" Natigilan ako at napatingin kay lucy na mukhang nag-aalala.

The One That got Away Where stories live. Discover now