WPA 1 COMPUTER SHOP

Start from the beginning
                                    

Ang rule rule na sinasabi nya ay ang pagtawag sakin sa pangalan ko, Oo tama, That's my rule, Weird pero malupet. Kapag pamilya ko yana ang tawag sakin since ayon ang tawag sakin ng parents ko, kapag naman bestfriend or close friend ay nish pero kapag kakilala ko lang ay niyana. Kaya nga mas marami ang Niyana kasi wala akong gaanong Close friends. Meron ngang isa nagkasakit naman tsh. Kaya ayon nandon sa thailand.

Natapos ako sa pag luluto, nilagyan kopa ng kung ano anong design yung nasa tabi ng tray bago ko yon dalin sa kanya, nilagyan kopa ng dahondahon. ping ping ping ping ping!!!! o diba chef ghorl.

Inimagin kopa nakapag binigay ko to sakanya ngingiti sya at tatanungin ang pangalan ko, hihi kinikilig ako.

"Sir, ayan po ang special serve namin" sabi ko sabay patong nung tray sa tabi nya, pero ang walang hiya hindi ata ako narinig. Kinalabit ko sya at saka ngumiti hehe makapal muka ko e

d naman ako nabigo at tinanggal nya ang headset nya "Sir, special serve po namin" pag uulit ko, ang papa nyo tinignan lang ako at yung soup na dala dala ko, sabay bumalik sa paglalaro.

Napangiwi naman ako. Famous ka ghorl?? Sinamaan ko ng tingin yung dalawang player na naghahagikgikan. Bwisit na lalaking to pinapahiya ako.

Umalis nalang ako ng nakasimangot tss wala manglang salamat o ano tss bahala ka ikaw nanga binibigyan ng pagkain, first time ko panaman ding gawin to. Pogi sana suplado naman! *irap* tsk ano bang kasing kahibangan pinag gagawa ko.

1 hour later...

Nakadukdok ako dito sa server ng may maramdaman akong anino. 4am na ng madaling araw at inaantok nadin ako, bwisit na farren yan pag balik ko sa loob tulog na, ang hirap gisingin pag nag tutulog tulogan. Inangat ko ang ulo ko para tignan kung kaninong anino yon.

Napatayo ako ng tuluyan ng makitang si mr. bwiset yon naka sumbrero na ulit sya at naka mask mukang aalis nasya

"bill" ayan lang ang sinabi nya. Tinignan ko naman yung computer ng malamya, ay hindi pala malamya, matagal. Para matagal pasya sa harap ko, dba talande niyana! ang tipid naman magsalita neto tila galit sa buong mundo.

"26 pesos" sagot ko ng d tumitingin, dahil 2 hours mahigit lang naman sya.

kumuha sya ng 50 sabay sabing "keep the change, Thanks for the soup. " paalis na sana sya ng may huli pasyang sinabi

"It's dangerous for a girl like you to stay here at midnight." sabi nya sabay tuluyang tumalikod. ABA? GAGANYAN KAPA IINGLES KAPA! MATAPOS MO KO IPAHIYA? tinaasan ko sya ng kilay.

"What do you care?! Gusto mo ikaw na magbantay, mayabang tss."binulong ko lang yung huli at saka sya tinarayan. Tama yan

Humarap uli sya sakin at binaba ang mask nya sabay nag smirk at tuluyang lumabas. Napangiwi naman ako, akala mo kung sinong gwapo! pero gwapo naman talaga pero nakakainis sya!

Ganon lang yung ginawa nya tas umalis na tila tanga diba? Mamaya baliw pala yon tas pogi ako ng pogi dito e HAHAHAHA baduy! nakamask pa, may virus siguro.

Napalingon ako sa pwesto nya kanina at nahablot ng mata ko ang printer, Andon kasi yung ID nya, agad ko yon kinuha at lumabas pero wala nasya. HINDI KO NASYA MAKITA.

Tsk ayoko na sana makita ang supladong baliw nayon kaso nasakin pa ang ID nya. ID is one of the most important thing kaya kelangan kopa ibalik sakanya.

♡~~~~~~~~~~♡


Sunghoon's POV


'Im the Ice Prince'

Nakauwi nako sa condo namin, nakita ko din ang mga kamembers ko na tulog na, hindi ako makatulog may bumabagabag sa isip ko na hindi ko maintindihan. I think i forgot something that i did'nt remember.

Humiga ako sa tabi ni sunoo na tulog na tulog pero nakamulat lang ako.dammit Hindi ako makatulog Nagligpit nalang ako ng mga kalat ng mga kasama ko ang dami kasing kalat parang mga bata.

Bukas nanga pala ang flight namin pa Thailand kaya dapat may tulog ako kahit 2 hours or 3 hours kaya sinimulan ko ng pumikit.

Pero hindi talaga ako makatulog, Naalala ko yung babae sa computer shop, Siguro kaya sya nagalit dahil napahiya sya. Sorry naman wala naman kasi ako sa mood. Bat ko ba sya iniisip? aish, Pero masarap yung soup nya. I remembered my mom to her, She always cooked a soup for me before.

Sa kakaisip ko sa babaeng yon tuluyan nakong nakatulog.

WANTED: PERSONAL ASSISTANT || EnhypenWhere stories live. Discover now