Chapter 1: Online Diary

11 2 1
                                    

October 20, 2013: 293/365 (7:02 AM)

Malamig ang simoy ng hangin. Damang dama ko na ang paparating na Kapaskuhan. At malapit na rin magsimula ang ikalawang sem. Ito na, 3rd year na ako at nararamdaman ko na ang tamis ng tagumpay.

Halos tatlong taon na ang lumipas mula nang magbukas sa akin ang pinto ng kolehiyo. Kung paanong sinabi kong lay-low lang ako ay siyang pagbukas ng ibat-ibang klaseng opportunity para sa student career ko.

First year over a brand-new environment. Sobrang nasabik ako and at the same time, natakot. Hindi ako masyadong mahilig makipagsalamuha sa mga tao, introvert kumbaga pero ito na eh. Nandito na ako, bakit pa ako aatras?

Sa loob ng dalawang taon, maraming stress ang ibinalibag sa akin ng University. Hindi lang basta stress kasi nasukat din dito ang pagkatao ko at ang tingin ko sa mga tao. Binago ako ng University hindi lamang sa pagtuturo nila kundi pati na rin sa kung paano ko i-assess ang mga tao sa paligid ko.

Nagonline ako sa Twitter ng umagang iyon dahil nga malapit na ulit ang enrollment, kailangan kong makibalita.

Rap-rap @raprap0316
Yow, pa-print na tayo grades! @jmcruz @DeGabE @ItsR4rica :)
Jasmin Margaret @jmcruz
Ok J @raprap0316 @DeGabE @ItsR4rica

Buti na lang online din si Marga. Palagi talaga siyang maaasahan. Forever online eh.

Mukhang handa na ang lahat. Pagtapos magreply ni Marga, kinuhaan ko na ng screenshot ang grades ko para isave sa flash drive. Ready to print na rin ang study plan with matching template. Kailangan kasi mapunan namin ang bigat ng units para walang maiwan at sumobra. Pinagpuyatan ko din iyon dahil hindi ko alam kung uunahin ko ba ang Literature o World History.

Mabuti na lang at kukunin ni Marga ang World History kaya't madali ko nang natapos ang iba. Mas madali kasing maglatag ng major subjects kaysa minors.

Maaga pa at dahil ipiprint na lang naman ang requirements, pwede siyang maghintay hanggang alas-singko ng hapon o kahit alas-onse na ng gabi.

Nagpatuloy lang ako sa Twitter.

Jasmin Margaret @jmcruz
Ok :) @raprap0316 @DeGabE @ItsR4rica
R-I-C-A @ItsR4rica
Ang aga niyo, bukas makalawa pa yan eh @jmcruz @raprap0316 @DeGabE :3

Gising na din si Rica, maya-maya pa ay si Denise naman. Hindi muna ako makikigulo, girl talk eh.

Hinayaan ko lang na nakabukas ang laptop, lumabas ako ng kwarto na naka-pajamas pa din. Paglabas na paglabas ko, inakit ako ng amoy na piniprito ni mommy. Naririnig ko na rin ang nagwawalang anacondang nagkukunwaring bituka ko.

Tocino, itlog, hotdog at fried rice. Alam talaga ni mommy kung paano simulan ang umaga.

"Luto na Rap, kakain ka na lang." bati niya sakin.
"Yes mi, ito na nga po, uupo na. I love you!"

Pagtapos kumain ay dumiretso na ako ng banyo para maligo at yun na nga ang simula ng araw ko. Ordinaryo, boring katulad ng mga nakaraang araw na nagdaan.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, excited ako. Well, karamihan naman ng estudyante excited sa first day kasi maraming bago. Bagong sapatos, bagong bag, bagong classmate, bagong magiging crush (at syempre mga lumang crush na ngayon na lang ulit nakita) at kung ano pang bago na pwedeng i-highlight. Pero excited ako kasi makikita ko na ulit sila. Mga kaibigan kong luma na pero maaasahan.

Naalala ko nung una, syempre kapwa dayuhan sa bagong school at panibagong phase ng buhay. College. Sila yung mga hindi ko akalaing tatanggap sa akin. Sila kasi yung tipo ng mga tao na wala masyadong pakialam sa paligid hanggat hindi sila ang nakasalang sa kumukulong usapan.

In Between Confessions: Peers and PressuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon