Prologue

9 2 0
                                    


Likas sa ating mga Pilipino ang maniwala sa mga kasabihan. Pero isa sa mga paborito ko ang makabagong kasabihan na "Isang beses lang masira ang tiwala, kailanman ay hindi na ito magiging tulad pa ng dati." Kasi totoo ito at hindi lang isang beses iyan nangyayari sa paglalakbay natin sa mundong ibabaw.

Trust issues ika nga ng mga taong ilang beses na pinagkaitan ng tiwala. Sila rin yung mga taong, nagdududa kung totoo ba ang bawat salitang sinasabi mo at hindi mo siya masisisi dahil sa napagdaanan niya.

Ako? Wala pa naman, pero parang ang sakit lang na masiraan ng tiwala. Marami kasing magbabago. Maraming maaapektuhan.

Alin ba ang mas masakit? Ang malaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo o ang malaman mong pinagkakaisahan ka ng mga taong pinagkakatiwalaan mo?

Kapag nagtiwala ka kasi sa tao, binibigay mo sa kanya ang personal na bahagi ng buhay mo. Alam mong pangangalagaan niya yun dahil maaasahan ka niya na gawin din iyon sa kanya. Tapos mababaliwala? Bigla na lang kakalat ang dapat na sikreto? Anong mararamdaman mo? Hindi ba para kang binuhusan ng rubbing alcohol sa sariwa mong sugat?

Nangigisay ka na sa sakit, pinagtatawanan ka pa.

In Between Confessions: Peers and PressuresWhere stories live. Discover now