{< >}×{< >}×{< >}×{< >}×{< >}×{< >}
" Lola-lola, ikwento nyo na po samin, please." pagmamakaawa ng apo ni lola laarnie.
" o sige, mga apo.......ito yung kwento namin nang lolo niyo, nong kabataan pa namin."
" yeheey!"
"Nag simula ang lahat noong.........
[ June 10,1961]
- FIRST WEEK OF SCHOOL -
INTRODUCING TMC:
Hi! Ako nga po pala si laarnie rose deocareza. 19 years old. 3rd year college in Yukaido University. Isa kong scholar kaya ako nakapasok sa ganitong klaseng paaralan. And i am a (nerd) lagi akong binubully dahil sa panonoot at itsura ko.
" Hoy laarnie! , umalis ka na nga sa harapan ko. Nakakairita na yang pagmumukha mo eh."sigaw sakin ng aking stepmother na si tita kamel at pinagtabuyan ako palabas nang bahay.
" T-tita, Baon ko po?" nanginginig kong tanong dahil sa kaba, na ikinataas ng isa niyang kilay.
" ohhh!" sabay bato niya sa pag mumukha ko ng 50 pesos.
"Yan. Baon mo at umalis kana kasi ayokong nakikita yang pag mumukha mo dito sa bahay."mataray niyang sigaw sakin saka niya padabog na isinara ang pinto ng aming bahay.
Si tita kamel na ang tumayong nanay ko simula nong bata palang ako. Sabi kasi ni papa , namatay raw si mama ng isilang ako.
Habang naglalakad papuntang school nakasalubong ko yung ibang mga nang bubully sakin.
"Uy pre! si panget oh ."siya si Edward. Isa sa mga nang bubully sakin. Sa sobrang dami ng nambubully sakin mapa-school man o sa kalsada na sanay nako.
" Ep-ep! Asan yung pera mo panget! " sabi naman ni christian, na leader ng B group na lagi akong kinukuhanan ng pera na baon ko sana. Napakamot naman ako ng aking ulo at ibinigay ang 50 pesos na ibinigay ng stepmother ko sakin na pambaon ko sana.
"Iyan na po." sabay abot ng pera sakanila
"Bat ito lang? Ito lang ba ang pera mo ha?"
"Y-yan lang p-po meron a-ako. "utal-utal kong sagot na ikinabwisit ni christian at kwenelyohan ako habang si edward ay hinila ang bag ko na nakasakbit sa aking likuran.
"Tingnan mo kung may tinatago tong panget nato dyan sa bag niya."utos ni Christian kay edward. Sabay tapon ni edward ng mga gamit ko sa lupa.
"At ikaw panget. Pag nalaman kong may tinatago kang pera samin. Masasaktan katalaga." halos di ako makahinga sa pagkakahawak sakin ni Christian sa aking kwelyo.
"Pre. Malas. Walang pera eh. Ni piso wala. Puro notebooks, diary at ballpen lang nandito. " dismayadong salaysay ni Edward.
"Pasalamat ka dahil wala kaming nakita. Dahil kung meron, bugbog sarado ka talaga sakin."wika niya at padabog akong binitawan na ikinaupo ko sa kalsada.
"Diyan ka na nga.PANGET!"iniwan nila akong maluha-luha sa kalsada at umalis na sila, dala-dala ang 50 pesos na baon ko sana.
Nakakalungkot naman. Ganito nalang kasi palagi ang nangyayari sakin pag dumadaan ako dito. Kung di nila sinasaktan sa salita, bugbog sarado naman.
YOU ARE READING
Book Of Love (compilation)
Short Story' Kung mahal mo, ipaglaban mo' 'Kung nakalimutan ka, magpakilala ka ulit' ' pero kung ayaw na niya na sayo, let him kahit masakit, kahit mahirap kakayanin mo, para lang sakanya. Ganon kasi ang love eh. Di puro matamis at saya.'
