Chapter 21

179 4 0
                                    

Chapter 21

Janine's PoV

Andito na ako ngayon sa airport galing america. Hindi ako nagsabi kay daddy at kuya na uuwi ako ng pilipinas. Kase gusto ko na isurprise sila. Magtataxi nalang sana ako pero may biglang sumulpot na puting van sa harap ko. May dalawang lalaki na lumabas mula sa van at bigla akong hinawakan hinde ako nakakapagpumiglas dahil mas malakas sila sa akin. Ipinasok nila ako sa loob ng van gusto kong sumigaw pero hawak ng isang lalaki ang bibig ko kinagat ko ito

"Tulonggggg! Tul-" Isang panyo ang nasa bibig ko at naamoy ko ang isang masamang amoy hinde ko alam pero nahihilo ako sa amoy na yun. Ilang segundo lang umitim na ang paligid.

***

Nagising ako sa tawa ng mga tao sa paligid ko. Una kong nakita ang isang building sa harap ko. Sumasakit ng bahagya ang ulo ko. At biglang tumigil sa pagtawa ang mga tao sa paligid dahil may isang lalaki ang papalapit sa akin.

"Hi dear janine! Long time no see." Tiningnan kong mabuti ang mukha niya. He is so familiar mukhang nakita ko na siya sa ibang lugar, but i can't remember.

"Si-sino ka?" Pautal kong tanong dahil kinakabahan na ako.

"Hinde mo na ako naaalala? Janine naman si Justine Hidalgo to ang malupet na kaaway ng pamilya niyo. Ilang taon lang na hinde tayo nagkita nakalimutan mo na ako." Justine? Yes he is the man na kinaiinisan talaga ni kuya ang daddy din niya ang pumatay sa mommy namin. Nung naalala ko si mom i started crying.

"How dare you? Nakulong na ang daddy mo dahil sa pagpatay sa mommy namin. Tapos ngayon ikaw na naman, bakit papatayin mo rin ba ako kagaya ng ginawa ng daddy mo sa mommy ko. Ano? Papatayin mo ko? Go patayin mo ko kahit ngayon na." Bigla siyang tumawa ng malakas.

"Akala mo ba ginawa yun ng daddy ko dahil lang sa business? Well nagkakamali ka janine. Ginawa yun ng daddy ko dahil pinatay ng mommy mo ang mommy ko. Binigyan lang ni daddy ng hustisya si mommy." Pinatay ni mommy? Pumatay si mommy? Hinde yun magagawa ng mommy ko hindeng hinde kung nagawa man niya yun. May dahilan siya hinde yun magagawa ni mommy hinde niya kayang pumatay. Umiyak ako ng umiyak dahil sa mga narinig ko.

"Yes janine alam mo ba kung bakit nangyari yun. Dahil pinagsuspetyahan ng mommy mo ang mommy ko na kumakabit ang mommy ko sa daddy mo. Kaya naging magkaaway ang pamilya natin. And suddenly tinulak ng mommy mo si mommy sa isang pond dahil nagaaway sila nun. And I know na sinadya yun ng mommy mo." No! No! Nooooooo! Hindeng hinde yun magagawa ni mommy.

"Hustisya ba ang patayin ng daddy mo ang mommy ko. Alam mo ba alam kung ano ang tawag sa ginawa ng daddy mo? Paghihigante paghihigante ang ginawa niya. Kung totoo ang mga sinabe mo edi sana ipinakulong nalang niya si mommy. At hinde binaril ng ilang ulit na maligo na siya sa sarili ng dugo." Habang sinasabe ko yun umiiyak ako ng umiiyak.

"Nonsense!" Sigaw niya sa akin. Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan.

"Hello blake!" Si kuya! Si kuyaaaa!

"Grabe kanaman blake tumawag lang naman ako may kailangan na, pero tama ka kailangan mong pumunta dito sa likod ng school niyo." Kinakabahan na ako baka kung ano ang gawin niya kay kuya.

"Kuya tulungan mo kooo!" Sigaw ko ng malakas sana narinig yun ni kuya. Gusto ko ng makaalis dito gustong gusto ko na.

Bigla niyang binaba ang phone mula sa tenga niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at tiningnan sa mga mata. "Janine kung ako lang sana ang nagustuhan mo hinde ka masasaktan at hinde sana aabot dito." Hanggang ngayon yun parin ang nasa isip niya. Pano ko magugustuhan ang isang katulad niya. Sa ginagawa palang niya ngayon mas lalo ko siyang kinasusuklaman. Alam ko sa sarili ko na tama ako na tama na hinde siya ang minahal ko. Tinitingnan ko lang siya sa mga mata niya at sinipa ko siya sa private part niya. Lumayo siya sa akin at mukhang inis na inis siya. Kung hinde lang talaga nakatali ang mga kamay ko kanina ko pa siya nasuntok eh.

The Badboy And MeWhere stories live. Discover now