"Hi. So you're ate Charity's sister right? I really admire ate Char especially sa pageantry. I find it weird kasi I don't see any similarity sainyo." Saad niya sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa.

"Hindi naman kasi lahat ng magkapatid kailangan magkamukha. Charlotte nga pala. Pwede mo ako tawaging ate Char." Giit ko at nilahad ang kamay.

"Uhm no thanks. It's Charmie." Sagot niya sabay tanggap sa kamay ko.

"So Ansel. Can I have your number? So I can text you when I'm available." Saad niya sabay hawi ng buhok niya sa gilid.

"Sure." Sagot naman ni Ansel at tinype ang number niya sa phone ni Charmie. Kailan pa siya naging easy to get? Hindi ko maiwasang mairita.

"Okay see you around Ansel and uh Charlotte." Saad ni Charmie habang bonsai-beso Ansel. Wow ang close na nila ah.

"Teka Charmie!" Saad ko. Lumapit ako sa kanya sabay bulong.

"Mas maganda pa rin ang whisper." Saad ko dahilan ng pag irap niya sakin at inis na naglakad paalis.

"What did you say to her?" Biglang tanong ni Ansel. Bagay na kinainisan ko.

"Wala. Dyan ka na nga." Inis ko saad sabay lakad palayo sa kanya.

"Wait bo. I know you're worn out from practice. Let me take you somewhere." Saad niya at sinabayan ako sa paglakad.

"Ayoko. I don't like. Wag mo nga akong hawakan. Ano ba!" Inis ko pa ring saad sa kanya.

"But I didn't even touch you." Gulat niyang saad.

"Ay sorry nadala lang." Napahiya kong sagot. (A/N pahiya ka ghorl shabu pa)

"Uuwi na ako." Dagdag ko pa.

"I know this famous pizza house. Let's eat there first, aight?" Mahinahon niyang saad dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad.

"Pizza?" Mahina kong saad at naramdaman ang mga bulate sa tyan ko na nag diriwang.

"Yeah but if you really wanna go at least let me take you home. We live in the same house now, remember?" Nakangiti niyang saad.

"Pag-iisipan ko. Tara sa pizza house!" Sabi ko at hinila siya palabas ng gym. Wala na akong magawa mapilit siya eh.

Patuloy lang ako sa pag lantak ng pizza nang mapansin kong kanina pa nakatingin si Ansel sa cellphone niya at nakangiti na parang timang.

"Ano yan?" Tanong ko at sumilip sa phone niya pero taranta niya itong iniwas.

"Si Charmie ba yan?" Tanong ko. Dahan dahan siyang tumango na para bang nahihiya. Don't me.

"Yung pantyliner o yung napkin?" Tanong ko ulit dahilan ng pag kunot ng noo niya.

"What?" Naguguluhan niyang tanong.

"Wala. Alam mo kung gusto mo naman pala siyang kausap sana siya nalang ang dinala mo dito." Badtrip kong saad at umalis pero bumalik din ako agad at kinuha ang natirang pizza sayang din kasi tsaka tuluyang lumabas.

"Wait Char." Saad niya ng nasa labas na ako at hinila ang siko ko.

"Char? Char as in Charmie?" Giit ko sabay irap.

"Char as in Charlotte, my bobo." Ngayon ay may mapaglarong ngisi na sa kanyang labi.

"Tse. Dun ka na kay Charmie with wings." Mataray ko pa ring saad.



"Wait. Are you jealous?"

——-

A/N

Believe me when I say I love you char. Believe me when I say gusto ko talagang mag double update at para hindi masyadong bitin coz I know the feeling. But sorry kasi d pa kaya ng powers ko I think sa climax na ako mag f-flood ng updates. For now I'm taking it slow kasi andami kong twist na naiisip which is pati ako naguguluhan na din so hope ya'll understand.

Vote vote vote and comment 💕

That ML player thingWhere stories live. Discover now