Anak, maaga akong umalis. Wala na rin natirang pagkain at hindi na rin ako nakapagluto. Bili ka nalang doon sa school. Nag-iwan ako ng pera.

Binaba ko ang sulat at kinuha ang pera sa lamesa. Agad nalang din ako umalis at baka abutin pa ako ng traffic.

Dahil sa wala akong tulog at walang kain mas naramdaman ko ang pagkahilo habang nakasakay sa bus. Sinandal ko rin ang ulo ko at nakatulog sa bus ng mahimbing.

"Shit!" sabi ko nung mapansin na malapit na pala at tulog pa rin ako dito.

Nagmamadali akong bumaba, pasalamat nalang at saktong babaan na nung nakarating ako sa labasan.

Hinawakan ko ang ulo ko habang pinipilit na maglakad at tatawid pa ako. Gutom na gutom na talaga ako.

Napatingin naman ako sa oras at nakitang iilan minuto nalang at papasok na ang prof! Napakaaaga pa naman 'non pumasok!

"Putangina," mura ko sa sarili. Sinusubukan ata ako ngayong araw na 'to!

Nag-tricycle na rin ako dahil hindi ko na talaga kakayanin na maglakad pa. Sumasakit ang ulo ko na medyo kumakalam pa ang sikmura ko.

At kung sinuswerte ka nga naman, si Gray pa ang nakasabay kong pumasok ng gate.

"Good morning," bati niya.

"Morning," sagot ko, sinusubukan kong hindi intindihin ang sakit ng ulo ko.

Sabay kaming maglakad papasok ng building. Ang sakit pa rin talaga ng ulo ko at pakiramdam ko bibigay na ako.

Napapansin kong pasulyap-sulyap sa akin si Gray at parang may gustong itanong.

"Lia, okay ka lang ba-"

Umikot ang mata ko at naramdaman ko ang pagkahulog ko sa sahig.

Nagising ako na nakahiga sa malambot na kama... nasaan ako?

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at tumingin sa paligid... nasa clinic ako! Pero, paano 'yung klase ko!

"Gising na siya, hijo." rinig kong sabi nung school nurse.

Nakita ko naman si Gray na nasa malapit na upuan at napatayo. Lumapit siya sa akin at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o puno talaga ng pag-aalala ang titig niya sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Bahagya akong tumango. May sakit pa rin ng ulo, pero ayos na.

Lumapit ang nurse sa amin. She had this expression on her face that I can't decipher. It kinda seemed like a judgmental one.

"Hija, may mga tanong ako sayo." sabi niya.

Tumango ako at umayos ng upo at sinandal ang ulo sa unan. Nasa kabilang tabi naman si Gray ng kama ko. Bakit siya nandito? Hindi ba siya pumasok?

"Ilang buwan ka na bang di nireregla?"

Kumunot ang noo ko. Bakit niya tinatanong sa akin 'yan. "P-Po?"

She gave me a look, which meant sagutin ko nalang.

"D-dalawang buwan na po." sagot ko. Halos dalawang buwan na kase akong delay. Hindi ko nga maintindihan. Napaka irregular nang regla ko.

Rule #1: Rule of FateWhere stories live. Discover now